Balita

Heart at Alexander, may inihahanda­ng sorpresa para sa Jagiyas

- --Nitz Miralles

EXCITED na at may kasama pang kilig ang sumusubayb­ay sa My Korean Jagiya sa tweet ni Heart Evangelist­a na, “When I say prepare??! Hindi ang sa KILIG mas higit pa du’n! Pati kami nalokaaaaa. Let the countdown begin!” at “I just heard the good news... just when you thought you know what will happen to the story then BOOOM!!! Clue? It’s something that never happened on the show... prepare.” Gusto nang malaman ng Jagiyas (tawag sa fans ng My Korean Jagiya) kung ano ang magandang balita ni Heart, pero bawal pa raw itong sabihin, kaya nganga muna tayo. Anyway, natatawa kami sa fans nina Heart at Alexander Lee na feeling guilty at nag-sorry kay Sen. Chiz Escudero dahil kinikilig sila sa love team ng dalawa. But nothing to worry, hindi nagseselos si Sen. Chiz kay Alexander at sa mga eksena nito sa kanyang misis. Naikuwento pa nga ni Heart na ‘pag nasa bahay na si Sen. Chiz, pinapanood din nito ang My Korean Jagiya at naaaliw sa mga eksena nila ni Alexander. Natatawa rin si Sen. Chiz sa pakuwela nina Ricky Davao at Janice de Belen at sa pag-aagawan nila kay Raymart Santiago. Samantala, maganda ang pagtanggap ng mga Cebuano sa segment ni Alexander sa Suroy Sugbo na napapanood sa Balitang Bisdak sa GMA RTV Cebu. Natuwa ang mga nakapanood sa segment ni Alexander na kinunan sa Cebu nang magpunta sila ni Heart for a mall show. Napanood ito sa RTV Dagupan at RTV Ilocos at sa sa key cities in Mindanao via One Mindanao.

Nagre-request ang fans ni Alexander na maulit ang guesting niya sa regional shows ng Kapuso Network para hindi lang sa My Korean Jagiya siya napapanood.

 ??  ?? Heart at Alexander
Heart at Alexander

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines