Balita

Tyrese Gibson, sinisi ang medication niya dahil sa online meltdowns

- Cover Media

SINISI ni Tyrese Gibson ang bagong psychiatri­c medication niya sa kanyang sunod-sunod na meltdowns online.

Ibinahagi ng Transforme­rs star ang kanyang mga problema sa social media nitong mga nakaraang linggo, at isiniwalat ang ilang mga desperadon­g post tungkol sa kanyang kinakahara­p na laban sa korte upang ipaglaban ang karapatan sa kanyang anak na si Shayla, laban sa dating asawa niyang si Norma.

Ginulat din ni Tyrese ang publiko nang awayin niya ang co-star sa The Fate of the

Furious na si Dwayne ‘The Rock’ Johnson, at isinapubli­ko rin ang pagpapauta­ng sa kanya ng mag-asawang Will Smith at Jada

Pinkett Smith ng $5 million. At nitong Sabado, humingi ng paumanhin ang 38 taong gulang sa publiko sa Instagram, dahil sa kanyang mga naging pag- uugali, at inihayag na sumasailal­im siya sa psychiatri­c medication para sa unspecifie­d mental health disorder na mayroong “adverse effect” sa kanya.

“I want you guys to know that to this day I don’t drink, smoke or on any level do I do drugs,” saad niya sa post, kasama ang imahe ng Rexulti drug packaging box. “I was advised then ultimately connected with multiple therapist and psychiatri­st (sic) I had a few private meetings and this particular drug that was suggested although maybe helpful to others had an adverse effect on me and this is the reason I had a complete meltdown online”.

Sinabi rin ni Tyrese ang “high stress” at ang “very traumautic experience” na nakapag-ambag sa kanyang breakdown, ngunit ngayon ay maayos na siya.

“I’m in the clear now, this (medication) is being flushed out of my system and I’m already to get back at 100%,” dagdag pa niya at bago niya sinabing “so very sorry” sa kanyang mga nagawa na.

Tinapos ni Gibson ang kanyang post sa kanyang custody case, para sa anak na si Shayla, sa dating asawang si Norma, na nagsabing mayroong bipolar disorder dati si Gibson. “Okepease guys just know again this is not the Singer, actor this is Shayla’s father,” aniya. “This will NOT compromise my case.... This is transparen­cy and honesty and more of a suggestion, please seek profession­al opinions when it comes to drugs especially psychiatri­c meds.”

Inakusahan ni Norma, kasal sa bituin simula noong 2007 hanggang 2009, na pinalo ng malakas ni Tyrese si Shayla, na naging sanhi upang mahirapan itong umupo. Patuloy ang pagdinig ng usapin sa korte.

 ??  ?? Tyrese
Tyrese

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines