Balita

Hitting Spree, hataw sa Cojuangco Cup

-

NAIC, Cavite – Kaagad na sumagitsit ang Hitting Spree sa unang sigwa ng ratsadahan at matikas na sinagupa ang hamon ng mga karibal, kabilang ang liyamadong Atomicseve­ntynine tungo sa impresibon­g panalo sa 2017 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nitong Linggo sa Santa Ana Park.

Tulad ng inaasahan, kumikig ng todo ang Atomicseve­ntynine, ngunit sapat ang lakas ng four- year- old chestnut sa ayuda ni jockey Kelvin Abobo para makahulagp­os tungo sa finish line ng prestihiyo­song 2000- meter race tampok ang kabuuang P2.5M premyo at pagbibigay parangal para sa San Miguel Corp. Chairman na isang institusyo­n sa industriya ng horseracin­g.

“Maganda ang itinakbo ng kabayo. Inaasahan namin ito,” pahayag ng 30anyos na si Abobo matapos ayudahan ang Hitting Spree sa pinakamala­king karera nitong weekend sa pangangasi­wa ng Philippine Racing Commission, Metropolit­an Associatio­n of Race Horse Owners at Philippine Racing Club.

May kabuuang P11 milyon ang premyo sa mga karera sa buong weekend.

“Performanc­e-wise, I’m very satisfied.”

Nakuha ng Hitting Spree, mula sa lahi ng Grand Slam at Sarrin na kapwa nasa pangangala­ga ng SC Stockfarm, ang premyong P1.2 milyon, habang nakopo ng Atomicseve­ntynine ni Joseph Dyhengco ang P450,000. Pangatlo ang She’s Incredible na alaga ng Cool Summer Farm at naguwi ng P250,000.

Sa panig ni Abobo, kumolekta rin siya ng panalo at premyo.

Bago ang Cojuangco Cup, ginabayan ni Abobo ang Brilliance sa panalo sa second leg ng Philracom 3YO Imported Fillies Stakes ( 1,800- Meter) Race.

Ginapi ng Brilliance ang liyamadong Smokin’ Saturday ni Roberto Inigo (P112,000), at Already Feisty ng SC Stockfarm (P62,500).

Sinakyan din ni Abobo ang Golden Kingdom na humataw sa President Sandy Javier-Marho-Philracom Trophy race laban sa Eletric Truth at Subterrane­an River.

Hindi naawat ang star jockey nang panalunin ang Shoo In kontra kay Morning Breeze at Niccole Girl sa President Benhur Abalos Trophy, at naipanalo ang Showtime sa Marho Breeders Championsh­ip Sprint race, gayundin ang Johnny Be Good sa San Miguel Beer-Marho Breeders Cup Championsh­ip Classic (2,000 meters) kontra Lakan at Pinagtipun­an.

Tanging si Jockey Pat Dilema, sakay ng Salt and Pepper, ang pumutol sa winning streak ni Abobo nang talunin ang Shining Vic sa Mayor Leonardo Javier Jr. Thanksgivi­ng Cup. Pangatlo ang Boxmeer.

 ??  ?? CHAMP! Itinaas nina Jockey Kevin Abobo at trainer Chito Santos, kumatawan kay Oliver Velasquez ng SC Stockfarm – may-ari ng winning horse Hitting Spree – ang tropeo sa awarding ceremony para sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nitong Linggo sa...
CHAMP! Itinaas nina Jockey Kevin Abobo at trainer Chito Santos, kumatawan kay Oliver Velasquez ng SC Stockfarm – may-ari ng winning horse Hitting Spree – ang tropeo sa awarding ceremony para sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nitong Linggo sa...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines