Balita

PBA All-Star Game sa Davao City?

- Ni TITO S. TALAO

LOS ANGELES – Wala pang katiyakan sa kahihinatn­an ng termino ni PBA Commission­er Chito Narvasa, gayundin ang maplatsya ang gusot sa pagitan ng mga miyembro ng 12-man PBA Board of Governors.

Sa kabila nito, ilang isyu para sa ikagaganda ng takbo ng liga sa pagbubukas ng season, may planong naihanda at kinatigan ng mga miyembro na kabilang sa nagtungo rito para sa taunang pagpupulon­g.

Aprubado sa Board na gawin sa 55,000capacit­y Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ang Manila Clasico ng 43rd season sa araw ng Pasko na tatampukan ng Barangay Ginebra San Miguel Kings at Star Hotshots.

Posibleng magtuos din bilang panimulang aksiyon ang laban ng defending Philippine Cup champion San Miguel Beermen kontra sa Alaska Aces o NLEX Road Warriors. Target ng Beermen ang ikaapat na sunod na PH Cup title.

Napagusapa­n din na panatilihi­n ang PBA format na may tatlong conference kung saang ang Commission­er’s Cup ay may 6-foot-10 imports, Philippine Cup at ang Governors’ Cup na may import na may taas na 6-foot-5 pababa.

Nakatakda magbukas ang 43rd season sa December 17 at ayon sa mapagkakat­iwalaang source, ibabalik ng Barangay Ginebra ang matikas na si Justin Brownlee para sa Governors’ Cup, o maging sa Commission­er’s Cup, matapos pagbidahan ang Kings sa back- to- back championsh­ips.

Nakaprogra­ma rin ang PBA All- Star Week na muling gagamitin ang formar na laro sa Mindanao, Visayas at Manila.

Posibleng maging host ang Davao City sa All-Star spectacle.

Kulang man sa ilang miyembro ng Board, inaasahang pormal na iluluklok si incoming chairman Ramoncito Fernandez ng NLEX, gayundin sina Dickie Bachmann ng Alaska bilang vice chairman at Raymond Zorrilla ng Phoenix Fuel bilang treasurer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines