Balita

585 pasaway sa yellow lane, huli

- Bella Gamotea

Hinuli ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang 585 motorista sa unang araw ng mahigpit na implementa­syon ng yellow lane sa EDSA, kahapon.

Sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia, na base sa kanilang obserbasyo­n, bahagyang lumuwag ang trapiko sa EDSA sa unang araw ng implementa­syon ng yellow lane, habang mabigat naman ang daloy ng trapiko sa EDSA-Guadalupe southbound lane sa Makati City, dahil sa mga bumibiyahe­ng jeep patungong J.P. Rizal.

Pagsapit ng 12:00 ng tanghali, umabot na sa 70 pribadong sa- sakyan at 37 bus ang hinuli ng mga traffic enforcer ng MMDA dahil sa paglabag sa yellow lane scheme.

Nabatid na 364 na pribadong behikulo at 114 na bus naman ang nahuli sa pamamagita­n ng ‘noncontact apprehensi­on policy’ ng MMDA, dahil pa rin sa paglabag sa naturang traffic scheme.

Pagmumulta­hin ng P500 ang mga nahuling pribadong motorista habang P200 sa bus dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Aniya, posible pang tumaas ang bilang nito dahil marami pa rin ang pasaway na motorista sa lansangan sa kabila ng mahigpit na pagpapatup­ad ng yellow lane.

Umaasa naman si MMDA Spokespers­on Celine Pialago na bababa sa 55 ang bilang ng aksidente kada araw sa EDSA, dahil sa umiiral na yellow lane scheme, na malimit kinasasang­kutan ng motorista, gayundin ang paggaan ng trapiko.

Aniya, maaari lamang dumaan sa yellow lane ang mga pampasaher­ong bus, UV Express o passenger van, ambulansiy­a at school bus.

Sa Miyerkules, sisimulan na rin ng MMDA ang mahigpit na implementa­syon ng motorcycle o blue lane sa EDSA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines