Balita

Only the President can ask me to resign —Tugade

- Betheena Kae Unite at Beth Camia

Dinedma ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade ang mga panawagang magbitiw siya kasunod ng insidente ng pagkakalas ng bagon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 kamakailan.

“Only the President can ask me to resign. Hindi lahat ng problema, na-a-address ng resignatio­n,” ani Tugade nang hingan ng reaksiyon sa 116th anniversar­y celebratio­n ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon.

“I serve at the pleasure of the President and no one else,” dagdag niya.

Nauna rito, nanawagan sina Anakpawis Partylist Representa­tive Ariel Casilao at Magdalo Partylist Representa­tive Gary Alejano ng pagbibitiw ni Tugade.

Noong Huwebes, nakalas ang isang bagon ng tren sa northbound section sa pagitan ng Ayala at Buendia stations. Nagresulta ito sa pagbaba ng mga pasahero at maglakad patungong Buendia Station.

Walang gaanong naging komento si Tugade nang kunan ng pahayag, sinabing hihintayin muna niyang matapos ang imbestigas­yon.

Naniniwala naman si Presidenti­al Spokesman Secretary Harry Roque na hindi pa sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Tugade sa kabila ng mga reklamo sa mga problema sa trapiko sa Metro Manila at lumalalang problema sa MRT.

Katwiran ni Roque, ang problema sa MRT ay namana lamang sa nakaraang administra­syon at ginagawan na ng paraan ng pamahalaan.

Sa ngayon aniya ay inoobserba­han lamang ng Malacañang ang mga ginagawang hakbang ni Tugade at buo pa rin ang tiwala ng Pangulo rito.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? ‘WAG LALAGPAS Nakabantay ang mga miyembro ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) at Land Transporta­tion Office (LTO) sa North Avenue station sa unang araw ng pagpapatup­ad ng yellow lane policy sa EDSA, kahapon. Sa ilalim nito, mga public...
ALVIN KASIBAN ‘WAG LALAGPAS Nakabantay ang mga miyembro ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) at Land Transporta­tion Office (LTO) sa North Avenue station sa unang araw ng pagpapatup­ad ng yellow lane policy sa EDSA, kahapon. Sa ilalim nito, mga public...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines