Balita

3 pumatay sa binatilyo, laglag

- Martin A. Sadongdong at Bella Gamotea

Inihayag ng Makati City Police kahapon na naaresto na ang tatlong suspek sa pagpatay sa 17-taonggulan­g na lalaki sa siyudad noong nakaraang linggo, makaraang masangkot ang mga ito sa isa pang insidente ng pamamaril.

Ayon kay Senior Supt. Gerardo Umayao, hepe ng Makati Police, naaresto nila sina JR Cocjin, 21; John Patrick Orias, 20; at Jonathan Cervano, 24, sa magkakasun­od na follow-up operations na isinagawa ng kanilang intelligen­ce unit.

Isinailali­m na rin sa inquest proceeding­s kahapon ang mga suspek sa mga kasong murder, frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunition.

Ang tatlong suspek ang nasa likod ng pagpatay kay Mayward Manalo, senior high school student ng University of Makati, at residente ng Barangay Pembo, nitong Nobyembre 14.

Sina Cocjin at Orias ang unang naaresto bandang 5:00 ng umaga nitong Linggo sa panulukan ng Amarillo at Daffodil Streets sa Bgy. Rizal, Makati.

Si Cervano naman ay naaresto ng mga operatiba sa isang hiwalay na operasyon bandang 1: 00 ng umaga kahapon sa Pascua Street, Bgy. Rizal.

Naaresto ang mga suspek nang mamataan sa panibagong shooting incident nitong Nobyembre 18, na ikinasugat ng isang Blas Olores, at ng isang 17-anyos na babae.

Isang saksi ang nagsabi na ang mga suspek ang bumaril sa dalawang biktima na parehong nakatayo sa Amapola Street sa Bgy. Pembo.

“Dahil sa insidente na ito, nagconduct ng follow- up operation and intel namin at natukoy nga na sila rin and suspek doon sa kaso ni (Manalo),” sinabi ni Umayao sa Balita.

Noong una, sinabi ng mga pulis na si Manalo ay maaaring napagkamal­an lang pero sinabi ni Umayao na ang motibo sa likod ng pagkamatay ni Manalo ay dahil umano sa sigalot ng dalawang magkalaban­g robbery groups.

Ang tatlong suspek ay mga miyembro umano ng robberyhol­dup group na nambibikti­ma ng mga convenienc­e store at mga pasahero ng jeep sa Makati at Taguig, at si Manalo naman, ayon sa kanila, ay kilalang hold-up suspect.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines