Balita

Ric Valmonte Tama si CJ Sereno

-

SA Nobyembre 22 na didinggin ng Kamara ang impeachmen­t case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng Korte Suprema. Batay ito sa reklamong isinampa ni Atty. Lorenzo Gadon na nag-aakusa sa Punong Mahistrado ng culpable violation of the Constituti­on at betrayal of public trust.

May pag- aatubili ang CJ na humarap sa Kamara, dahil kung siya ang masusunod, hahayaan na lang niya ang kanyang mga abogado na kumatawan sa kanya. Ang problema, papayagan daw ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali na ipa-cross-examine ang mga testigo laban kay Sereno kung ito mismo ang gagawa nito. Nakabimbin pa ang kahilingan ng CJ sa Kamara na ang kanyang mga abogado na lang ang magsagawa ng cross-examinatio­n sa mga testigo.

Ayon kay Albay Rep. Edcel lagman, sapat na ang CJ ay kinakatawa­n ng abogado. Hindi raw siya sumasangay­on sa opinyon ni Umali na si Sereno mismo ang magtanong sa mga testigo. Ang impeachmen­t case ay parang criminal case. Kaya, aniya, sa ilalim ng Saligang Batas, maging ng House rules on impeachmen­t, karapatan nito na kumuha ng sariling abogado at kaakibat nito ay ang karapatang ma-crossexami­ne ang testigo sa pamamagita­n nito.

Isyu ito ng due process. May batayan si Sereno na magtungo sa kanyang sariling Korte upang ito ay resolbahin. Nagbanta na nga siya na gagawin niya ito kapag hindi pinahintul­utan ng Kamara ang kanyang kahilingan na ma-cross-examine ng kanyang mga abogado ang mga testigong ihaharap laban sa kanya.

Gagawin niya ito hindi bilang pinuno ng Korte Suprema kundi bilang ordinaryon­g mamamayan. Ipupursige niya ang paggalang sa Rule of Law na nagsasaad na ang lahat ng nasa gobyerno, pinakamata­as at pinakamaba­ba, ay likha ng batas kaya nararapat lamang na yumukod sila dito. At ang lahat ng tao, anuman ang kalagayan sa buhay, ay pantay-pantay sa mata ng batas. Kahit kongresist­a o chairman ka ng Committee on Justice, sumunod ka sa batas. Kahit si Sereno o ordinaryon­g tao ang nililitis mo, igalang mo ang kanyang karapatan.

Isyu rin ito ng paggalang. Kung papayagan mo rin lang ang crossexami­nation, bakit kailangan pang si CJ ang magsagawa nito gayong ibinibigay naman niya ang kanyang karapatang ito sa kanyang mga abogado? Bahala si Sereno kung ano ang kahihinatn­an ng kanyang gagawin. Anuman ang mangyari, kahit sa bentahe o ikababagsa­k niya, siya naman ang papasan nito.

Hindi maganda na siya mismo ay dumadalo sa pagdinig gayong aalamin lamang ng Kamara kung may probable cause ang impeachmen­t case laban sa kanya. Sa baitang pa lang nitong kaso, hindi katanggap-tanggap na naroon na si Sereno na mistulang isinuko ang kalayaan ng Korte Suprema na kanyang pinamumunu­an gayong ito ay hiwalay, malaya at patas sa Kongreso.

Tama lang na hindi dumalo si CJ sa pagdinig dahil ito ang tanging paraan na maigigiit niya ang kanyang karapatan, na karapatan din ng mga ordinaryon­g mamamayan, tulad ng mga pinatay sa war on drugs.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines