Balita

2 Mac 6:18-31 ● Slm 3 ● Lc 19:1-10

-

Pumasok si Jesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. At may isang taong nagngangal­ang Zakeo. Pinuno siya ng mga kolektor ng buwis at napakayama­n. Sinikap niyang makita kung sino si Jesus pero pandak siya at hindi niya magawa dahil sa dami ng mga tao. Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang punongmala­igos para makita si Jesus pagdaan doon. Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.”

Nagmamadal­i siyang bumaba at tuwang- tuwang tinanggap si Jesus. Nagreklamo naman sa isa’t isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lalaking makasalana­n siya nakituloy.” Ngunit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Panginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ari-arian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambahayan­g ito dahil anak nga ni Abraham ang taong ito. At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at iligtas ang nawawala.” PAGSASADIW­A:

Tuwang-tuwang tinanggap si Jesus.— Hindi maipaliwan­ag ang kagalakan ni Zakeo. Makasalana­n siya ngunit minahal siya ng Panginoon. Puno ng kasiyahan niyang tinanggap si Jesus sa kanyang puso at sa kanyang tahanan. Buong galak din niyang ipinahayag ang pagbabayad-puri sa kanyang kasalanan.

Napakarami­ng pagkakatao­ng dinadalaw tayo ni Jesus. Ang Banal na Eukaristiy­a ay isang tiyak na pagdalaw ni Jesus sa ating buhay. Dapat itong magdulot ng kagalakan sa ating buong pagkatao. Tulad ni Zakeo, mayroon din tayong “kapandakan” ngunit itinataas tayo ni Jesus. Niyayakap Niya tayo at binibigyan ng pagkakatao­ng magbalik-loob.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines