Balita

Ellen Adarna, maselan ang pagbubunti­s?

- Ni JIMI ESCALA

KINUMPIRMA sa amin ng fashion designer na kababayan namin sa Cebu at malapit na kaibigan ni Ellan

Adarna na buntis nga raw ang huli. Aniya, mismong si Ellen ang nagbanggit sa kanya na maselan ang pagbubunti­s nito sa panganay nila ni John Lloyd Cruz.

Ito raw ang dahilan kung bakit biglang napaaga ang pag- uwi ng dalawa mula sa bakasyon. Hindi na rin sinipot ni Ellen ang Bench Fashion Show na isa sana ito sa nakatakdan­g rumampa.

Banggit ng source, nakahanda naman sanang sumipat si Ellen sa naturang fashion show pero dahil sa advice ng doctor at pati na rin ni John Lloyd mismo ay minabuti ni Ellen na manatili na lang sa bahay.

Matatandaa­ng sumabog ang balitang magkarelas­yon sina John Lloyd at Ellen nang maglabasan sa social media ang mga literatong kuha sa kanila na magkasaman­g nagbabakas­yon sa Bantayan Island.

Lalong pinag-usapan ang relasyon ng dalawa nang lumabas ang video post na sinasabing lasing sila kasama ang ilang kaibigan at naka-dirty finger pa ang actor.

Hanggang ngayon ay hindi pa kinukumpir­ma nina Lloydie at Ellen ang pinagpipis­tahang relasyon at diumano’y pagbubunti­s ng huli.

Naka-leave of absence pa rin si John Lloyd sa programa nilang Home Sweetie Home ABS-CBN, marami na ang nagtatanon­g kung kailan siya muling mapanood sa sitcom.

May usap-usapan sa Dos na itutuloy pa rin ang naturang show pero malamang na baguhin na ang istorya para maging akma sa tambalang Toni Gonzaga at Piolo Pascual na dapat ay guest lamang.

 ??  ?? Ellen at John Lloyd
Ellen at John Lloyd

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines