Balita

2 pang ‘ suspek’ sa bank teller slay ikinanta

- Jel Santos

Dalawang tao ang hinahanap ngayon ng Philippine National Police (PNP) bilang posibleng kasabwat ng pangunahin­g suspek sa brutal na pagpatay at tangkang panununog sa isang 22-anyos na empleyado ng bangko sa Pasig City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, sinabi sa kanila ni Randy Oavenada, 37, na may dalawa itong kainuman nang gabing pinatay si Mabel Cama.

Nobyembre 12 nang natagpuan ang bangkay ni Cama sa impounding area ng Mega Bus Line sa Ortigas Avenue sa Barangay Rosario, Pasig.

“Actually, may dalawa siyang sinabi kanina—‘ yung mga kaninuman niya that night. Nabanggit niya ‘ yung dalawa kanina. Sila ay hindi napasama sa persons-of-interest,” sinabi ni Albayalde sa press conference kahapon sa himpilan ng Pasig City Police. “’Yung dalawa ay iimbitahan dito sa station.”

Sinabi ni Albayalde na paulitulit na itinanggi ni Oavenada na siya ang pumatay kay Cama, at iginiit na nagtatraba­ho lamang siya bilang driver sa compound. Empleyado siya ng Timber Port Enterprise­s.

Ayon kayAlbayal­de, hindi consistent ang mga pahayag ni Oavenada kaya naman pinagdudud­ahan ng pulisya ang kredibilid­ad nito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Supt. Isidro Carino, hepe ng Eastern Police District (EPD) Crime Laboratory, na may malinaw na mga senyales na seksuwal na inabuso si Cama “because of the contusions discovered in her genital.”

Gayunman, dahil sinunog ang ari ng biktika at nagnegatib­o ito sa semilya.

Sinabi pa ni Carino na posibleng walang malay si Cama nang abusuhin at patayin ito, dahil walang senyales na nanlaban ang dalaga.

Aniya, binawian ng buhay si Cama dahil sa tinamong traumatic injuries sa ulo dulot ng “a blunt instrument.”

Hindi na isinasangk­ot sa kaso ang apat na lalaki na unang ikonsidera na persons-of-interest sa kaso, ayon kay Carino. Paliwanag niya, bukod sa nagnegatib­o ang mga ito sa drug test ay wala ring fingerprin­ts ng mga ito na natagpuan sa crime scene.

Samantala, itinaas na sa P300,000 ang pabuya sa makapagtut­uro sa suspek sa krimen makaraang dagdagan ni Pasig Mayor Robert Eusebio ng P200,000 ang P50,000 ni Paracale, Camarines Norte Mayor Lourdes Villamonte, at P50,000 ng hindi pinangalan­ang negosyante.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? ‘DI PO AKO ‘YUN Si Randy Oavenada, 37, ang pangunahin­g suspek sa pagpatay sa 22anyos na si Mabel Cama, ilang minuto bago siya iprisinta sa media sa Pasig City Police Headquarte­rs kahapon.
ALVIN KASIBAN ‘DI PO AKO ‘YUN Si Randy Oavenada, 37, ang pangunahin­g suspek sa pagpatay sa 22anyos na si Mabel Cama, ilang minuto bago siya iprisinta sa media sa Pasig City Police Headquarte­rs kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines