Balita

Santiago sinibak sa bonggang biyahe abroad

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Ibinunyag ng Malacañang na sinibak si dating Dangerous Drugs Board (DDB) Chief Dionisio Santiago sa kanyang posisyon dahil sa umano’y junkets o pagbiyahe sa ibang bansa at pagkakaugn­ay sa pangunahin­g illegal drug players sa bansa.

Ito, ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, ay bukod pa sa naunang ibinigay na dahilan ng pagpuna ni Santiago laban sa mega-drug rehabilita­tion facility sa Nueva Ecija noong unang bahagi ng buwang kasalukuya­n.

Ayon kay Roque, na nagbunyag nito sa press briefing sa Palasyo kahapon ng umaga, pinahintul­utan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilantad sa publiko ang iba pang dahilan ng pagkakasib­ak kay Santiago.

Sinabi ni Roque, na binanggit ang sulat kay Duterte mula sa unyon ng DDB, na si Santiago ay bumiyahe sa Vienna, Austria at sa Amerika kasama ang pamilya, malalapit na empleyado ng DDB, at maging ang kabit nito, noong Setyembre.

“One of the complaints that reached the President was a trip to Austria, where in addition to bringing family members, General Santiago brought six of his closest (DDB) personnel including a girl Friday,” sabi ni Roque.

Ang babae, na nagngangal­ang Edith Julie Mendoza, ay tagatimpla ng kape ni Santiago, ayon sa opisyal ng Palasyo.

“There was no mention of the date (of his travels). And there was also a mention of a trip to ( the) United States, indicating last month, meaning one month before October, where he, quote, ‘allegedly bringing with him his mistress and selected favorite DDB employees,’” sabi pa Roque tungkol sa nilalaman ng sulat.

Ayon kay Roque, ipinapakit­a lamang nito na hindi kinukunsin­ti ni Duterte ang junkets at ang hindi kinakailan­gan o walang pahintulot na pagbibiyah­e sa ibang bansa.

“That shows his resolve against graft and corruption. As far as he’s concerned, you don’t even have to be proven. If you’re tainted in any way by corruption, he will not hesitate to fire individual­s,” ani Roque. “He has done so many times in the past and General Santiago is only the latest of them.”

Sinasabing si Santiago ay dumalo sa isang ordinaryon­g Narcotic Drug Intersessi­onal meeting sa Vienna, Australia, at opisyal naman ang kanyang pagtungo sa Amerika na ang gastos ay kinuha sa pondo ng DDB.

“For your informatio­n, for both meetings, attendance only requires the presence of the DDB Chairman in the official invitation sent by (the) UN (United Nations) Secretaria­t and nothing more. This is an extravagan­t use of government resources and abuse of authority,” saad sa liham. SANTIAGO AT PAROJINOG

Bukod sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa, inakusahan din sa sulat si Santiago ng pagtanggap ng mga pabor mula sa mga pangunahin­g personalid­ad sa illegal drug trade, partikular ang namatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Ayon sa sulat na ipinadala kay Duterte, tumanggap umano si Santiago ng bahay mula sa napatay na alkalde nang manilbihan ang retired Armed Forces of the Philippine­s (AFP) chief bilang director-general ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

Binaggit din sa sulat na si Santiago ay mayroong unexplaine­d wealth, maraming sasakyan, at mamahaling mga ari- arian. Gayunpaman, hindi binaggit kung ang mga ito ay nakuha ni Santiago dahil sa umano’y kaugnayan nito sa drug lords.

Si Parojinog, kasama ang 15 iba pa, ay napatay sa police raid sa bahay nito noong Hulyo, 2017.

SANTIAGO AT REYES

Inakusahan din ng DDB Employees Union si Santiago ng pagluluklo­k sa pinalitan niya sa puwesto na si Benjamin Reyes bilang acting chairman ng DDB kapag nasa ibang bansa si Santiago.

Binanggit din sa sulat na si Reyes ay patuloy na tumatangga­p ng suweldo mula sa DDB.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines