Balita

Kylie, naiyak nang dalhin ang anak kay Robin

- Ni LITO T. MAÑAGO

HINDI na kailangan pang sabihin ang mga katagang “sorry” o “patawad” sa muling pagkikita ng mag- amang Robin at Kylie Padilla.

Naganap ang pagkikita ng mag-ama -kasama ang panganay na anak nina Kylie at Aljur Abrenica na si Baby Alas Joaquin -- sa first birthday ng anak nina Binoe at Mariel Rodriguez na si Baby Maria Isabella sa The Blue Leaf sa Taguig nitong nakaraang Sabado.

Umapir si Kylie sa birthday ng kanyang oneyear old na kapatid, kasama ang anak na si Baby Alas para ipakita sa Lolo Binoe nito.

Ang pagkikita ng maglolo ay captured sa isang Instagram video na kuha ng Vidanes Celebrity Marketing (may handle name na @vidanes_cm), owned & managed by Betchay Vidanes, isa sa tatlong gumawa ng paraan upang magkita sina Robin, Kylie at Baby Alas.

Ini-repost naman ito ng action superstar sa kanyang Instagram account.

Sa video na mabilisang naging viral, makikitang kinarga ni Robin ang apo pagdating ni Kylie sa venue. Emosyonal ang pagkikita ng tatlo.

Maririnig din sa video ang boses nina Mariel, Robin at Kylie.

Sabi ni Mariel (audie unclear), “Look, who’s here. He’s so handsome. Love, ngumiti. He’s smiling. He’s smiling. Oh, my God!”

“Ang pogi naman pala nito,” sambit ni Robin pagkakita sa apo. Wika naman ni Kylie, “Kiss your lolo. Say hi!” At pagkatapos ay kinarga na ni Robin si Baby Alas at bumigkas ng isang panalangin sa wikang Muslim.

“Nakakaiyak, napapaiyak ako!” saad naman ni Mariel.

Ang kasunod na eksena, hinalikan ni Kylie ang ama na nasabayan ng pagtulo ng kanyang luha, at tuluyan nang napaiyak.

“Whoa!” kasabay ng buntong-hininga na dinig na dinig sa audio. All’s well that ends well, ‘ika nga. Sa pagkikita nina Robin at kanyang apo, nasambit niya sa Instagram ang mga katagang, “Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na @kylienicol­epadilla sa pagdala kay Alas sa akin, Alhamdulil­lah ganon din sa iyo @marieltpad­illa wala nang hihigit pang kaligayaha­n sa araw na ito. Pagpupugay sa lahat ng mga kumilos para maging matagumpay ang pagkikita na ito.”

Tanda na rin kaya ito na malapit naring ‘mapatawad’ ni Binoe si Aljur?

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines