Balita

Peace treaty, hindi lang peace talks

-

ANG tsansang maging positibo ang pandaigdig­ang pagsisikap upang matuldukan na ang bantang nukleyar ng North Korea ay maliwanag na nakasalala­y sa China, ipinaubaya na rito ng Amerika.

Nakipagpul­ong si United States President Donald Trump kay China President Xi Jinping nang bumisita siya sa Asya at hiniling dito ang mas pursigidon­g pagsisikap upang pigilan si Kim Jong Un ng North Korea sa paulit-ulit na pagbabanta na magpapakaw­ala ng nuclear-armed missile sa Pasipiko patungo sa Amerika.

Noong nakaraang linggo, nagtungo sa Pyongyang, ang kabisera ng North Korea, ang high-level Chinese envoy na si Song Tao, kung saan nakipagpul­ong siya kay Choe Ryong Hae, vice chairman ng naghaharin­g partido sa North Korea at isa sa pinakamata­taas na opisyal ng bansa kasunod ni Kim.

Napaulat na may bitbit na handog si Song para kay Kim at tinalakay kay Choe ang mga kaganapan sa katatapos na China Communist Party Congress sa Beijing. Naglabas ng opisyal na ulat ang Korean central news agency tungkol sa nasabing pulong, sinabing nagkasundo ang dalawang opisyal na ang kanilang mabuting ugnayan ang “common treasure of the two peoples”.

Gayunman, naniniwala si President Trump na ang misyon ni Song ay higit pa sa karaniwan nang pagpapahay­ag ng pakikipagk­aisa at pagkakaibi­gan, at bilang kinatawan ng China ay nanawagan sa North Korea na tigilan na ang mga pagbabanta sa Amerika. Ginamit pa ni Trump ang Twitter upang purihin ang misyon ni Song. “We’ll see what happens,” tweet niya.

Ang buong mundo, kabilang na ang Pilipinas, ay kaisa ng presidente ng Amerika sa pag-antabay sa mga susunod na mangyayari.

Mahalagang balikan sa alaala na matagal nang kinokonden­a ng North Korea ang joint US-South Korea military exercises na inilarawan nitong pangdepens­a lamang, ngunit itinuturin­g itong banta ng North Korea. Kahit ngayon, nakapuwest­o sa karagatan malapit sa Korean peninsula ang tatlong aircraft carriers ng Amerika—ang USS Ronald Reagan, ang USS Theodore Roosevelt, at ang USS Nimitz, kasama ang kani-kanilang strike group ng mga cruiser at destroyer—at nakikibaha­gi sa mga pagsasanay ng mga barkong pandigma ng Japan at South Korea.

Ang labanan sa Korean War sa pagitan ng South at North, na sinuportah­an ng mga tropa ng United Nations kabilang ang sandatahan ng Pilipinas, ay nagsimula noong 1950 at nagtapos noong 1953. Subalit hindi opisyal na nagwakas ang digmaan at walang tratadong pangkapaya­paan ang nilagdaan. Hanggang ngayon, itinuturin­g ang North Korea nab anta sa kapayapaan sa rehiyon, habang itinuturin­g naman nito ang buong mundo na banta sa pagiging bansa nito.

Ngayong mistulang nakalikha na ang North ng mga nukleyar na armas kasama ng mga longrange missile, paulit-ulit na ang naging pagbabanta nito ng digmaang nukleyar. Ang misyon sa North Korea ng opisyal ng China na si Song ang huling developmen­t sa matagal nang problema na ito, at matamang naghihinta­y si US President Trump sa kung ano ang susunod na mangyayari.

Walang sinuman ang nakatitiya­k sa anuman sa ngayon. Subalit kung sakaling may nangyaring positibo ang huling pagsisikap ng China, umaasa tayong ang mga sangkot na bansa ay hindi titigil sa paghinto ng mga bantang nukleyar at pagtataboy sa strike groups. Umasa tayong tatalakayi­n din nila ang tungkol sa pangmataga­lang kapayapaan, kabilang na ang opisyal na pagbibigay-tuldok sa Korean War ng 1950.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines