Balita

Bukas ang Department of Health sa pakikipagt­alakayan sa mga tutol sa RH Law

- PNA

INIHAYAG ni Health Secretary Dr. Francisco Duque III nitong Huwebes na nais niyang talakayin ang implementa­syon ng Reproducti­ve Health (RH) Law kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, na kilalang kritiko ng nabanggit na batas.

“I will get in touch with him (Sotto). We have to make our communicat­ion open so that we understand exactly our respective positions. And who knows, at the end of the day, there will be complement­ation of our positions,” sinabi ni Duque nang tanungin tungkol sa senador na kumukuwest­iyon sa budget para sa family planning program ng gobyerno.

Sinabi ng kalihim na nais niyang ipaliwanag kay Sotto na kailangang maipatupad ang probisyon ng RH Law upang matupad ang adhikain ng bansa na magampanan ang Philippine Health Agenda 2016-2022, at upang makamit ang Sustainabl­e Developmen­t Goals, kabilang na ang pagtiyak ng malusog na pamumuhay at maisulong ang kapakanan ng lahat sa bansa.

“We will respect the opinion of Sen. Sotto. But there is a law which the Executive Branch is mandated to execute,” ani Duque.

Samantala, sinabi ni Duque na hindi kuntento ang mga grupo sa pagpapawal­ang-bisa sa temporary restrainin­g order (TRO) sa dalawang subdermal implants matapos nilang madeklara ito at ang 49 iba pang contracept­ive products bilang non-abortifaci­ent.

“That is well within their rights. If they want to file another injunction case, a petition for injunction, it is really up to them. The legal recourse is open to everyone,” lahad ni Duque.

Inihayag naman ni Commission on Population (POPCOM) executive director, Dr. Juan Antonio Perez III, sa hiwalay na panayam na naghahanda na sila para labanan ang anumang oposisyon hinggil sa pagpapawal­ang-bisa ng Korte Suprema sa TRO.

Gayunman, sinabi niyang wala pang bagong impormasyo­n ang oposisyon upang suportahan ang kanilang mga argumento. “Unless they have new informatio­n, it will be the same kind of discussion,” ani Perez. Tinatayang anim na milyong babae sa buong bansa ang gumagamit ng fmily planning programs, at nadadagdag­an ang bilang na ito ng isang milyon bawat taon, anang POPCOM chief.

“With the RH Law now to be fully implemente­d, maybe we will get over a million new ones annually,” sabi pa ni Perez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines