Balita

GALIT-GALIT NA!

Peace talks sa NPA, tuluyan nang kinansela

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD May ulat ni Beth Camia

Inihayag kahapon ni Presidenti­al Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na tuluyan nang kinansela ng gobyerno ang lahat ng nakatakdan­g pakikipagp­ulong sa Communist Party of the Philippine­sNew People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPANDF) kaugnay ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na makikipag- usap ang pamahalaan sa mga komunista.

Sa isang pahayag, sinabi ni Dureza na dahil sa mga insidente ng karahasan ng NPA sa iba’t ibang panig ng bansa, wala nang choice ang Pangulo kundi ang kanselahin na lamang ang usapang pangkapaya­paan sa mga komunista.

“We take guidance from the President’s recent announceme­nts and declaratio­ns,” saad sa pahayag ni Dureza. “This is an unfortunat­e developmen­t in our work for peace. Never before have we all reached this far in our negotiatio­ns with them.”

Sa nasabi ring pahayag, sinabi ni Dureza na sa kabila ng mga pagpupursi­ge ng Pangulo ay hindi nagpakita ng kaparehong pagsisikap ang panig ng CPPNPA.

“There will be no peace negotiatio­ns anymore with the CPP-NPA-NDF until such time as the desired enabling environmen­t conducive to a change in the government’s position becomes evident. We will closely watch the developmen­ts,” ani Dureza.

“We have expressed our deep gratitude to the Royal Norwegian Government for its strong support as we also expressed to their officials our regrets for this turn of events,” dagdag pa ni Dureza.

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Dureza na ang muling pagkakabal­am ng usapang pangkapaya­paan sa mga komunista ay pansamanta­la lamang, at binigyang- diin na hangad pa rin ng pamahalaan ang pangmataga­lang kapayapaan.

Kasabay nito, sinabi ni Defense Secretay Delfin Lorenzana na pagod na si Pangulong Duterte sa hindi paninindig­an ng CPPNDF sa mga sinasabi nito, at sa patuloy na panggugulo ng NPA sa mga Pilipino.

Dahil dito, sinabi ni Lorenzana na ipagpapatu­loy ng DND at ng militar ang operasyon nito laban sa NPA, bagamat hinimok pa rin ang pagsuko ng mga rebeldeng nais magbalik-loob sa pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines