Balita

Duterte sa NPA: Alam ko ang balak niyo

- Nina Beth Camia at Fer Taboy

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alyado ng New People’s Army (NPA), na kinabibila­ngan ng mga militanten­g grupo, mga kasapi ng Communist Party of the Philippine­s (CPP) at National Democratic Front (NDF), na sila ay aarestuhin dahil sa pagsasabwa­tan sa paghahasik ng karahasan.

Sa pahayag ni Pangulo sa harap ng Light Reaction Regiment sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kamakalawa, sinabi niyang alam niyang nagsasabwa­tan ang NPA at legal fronts nito para pabagsakin ang gobyerno o maghasik ng gulo.

Ayon kay Duterte, wala siyang pakialam kung magsagawa ng demonstras­yon o magrebolus­yon ang mga kaalyado ng NPA basta lahat ng konektado sa mga rebelde ay aarestuhin.

Muli rin niyang iginiit na idedeklara niya ang NPA na isang teroristan­g grupo at tatratuhin bilang mga kriminal.

“Huwag na lang tayo magbolahan, galing ako diyan eh. You are helping each other to topple or whatever to sow terro. We will treat you as a criminal, period. And we will arrest everybody connected, and ‘yung mga legal fronts nila. Magdemand na kayo, magrebolus­yon kayo, o anong gawin niyo wala akong pakialam basta ibalik ko kayo as a terrorist group,” ani Duterte.

Kahapon, inihayag ng NDF na umaasa ito na magbabago pa ang desisyon ng Pangulo matapos nitong itigil ang peace talks.

Sinabi ni NDF chief peace negotiator Fidel Agcaoili na sana’y galit lang ang nagbuyo kay Duterte na tapusan na ang usapang pangkapaya­paan.

Iginiit ni Agcaoili na sa pamamagita­n ng usapan ay makakamit ang basic social at economic reforms sa bansa.

Hindi rin, aniya, dapat umurong ang gobyerno sa mga pangako at kasunduang pinasok nito, kabilang na ang pagpapalay­a sa lahat ng political prisoners.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines