Balita

Quezon City, host uli ng LGBT Pride March

- Ni NORA CALDERON

MAY mahahalaga­ng meetings si Quezon City Mayor

Herbert Bautista kaya si Quezon City Councilor Mayen Juico ang humalili sa kanya sa pangunguna sa grand presscon para sa muling pagho-host ng Quezon City sa QC LGBT Pride March (Lesbian, Gays, Bisexuals, Transgende­r) na isasagawa sa December 9, sa Tomas Morato.

Ginanap ang press launch ng event sa Pork @ Your Own Risk sa Dr. Lazcano Street, QC.

Magniningn­ing ang venue sa araw na iyon na tinawag nilang “Pride in QC: Safe and Free” sa pagsasama-sama ng gays and straight communitie­s sa Metro Manila, non-profit organizati­ons, LGBT service agencies, civic groups, LGBTorgani­zations, LGBT churches and individual­s willing to show their pride and support to the community.

Sa pangunguna ng Quezon City Pride Council, ang pride march ay pagpapatun­ay ng kanilang commitment sa pagtatangg­ol sa mga karapatan ng lahat ng mga Pilipino anuman ang kasairan -kasama siyempre ang LGBT community na sana ay tularan din ng iba’t ibang siyudad sa Metro Manila at sa buong Pilipinas.

Sa hapon magaganap ang Gay Pride Parade at sa gabi naman ang malaking celebratio­n. Magtatangh­al ang iba’t ibang LGBT groups, kaya isasara ang Tomas Morato St.

Lahat ng gustong magsi- attend sa Pride Parade ay kailangang magregiste­r online sa httpL// bit.ly/2ib2Guh. For details ang more informatio­n, bisitahin ang Facebook page at www. facebook. com/ qcpridemar­ch or magpadala ng message direct @qcpridemar­ch.

 ??  ?? Mayen
Mayen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines