Balita

Panghihiya sa timbang ng mga bata, ‘di nakatutulo­ng

-

HINDI nakatutulo­ng sa mga bata ang panghihiya tungkol sa kanilang timbang, o para gumawa sila ng paraan na magpapayat, babala ng mga doktor sa America.

Sa katunayan, kabaligtar­an ang epekto nito at mas nagbubunso­d sa mga bata para maging ugali ang pagkain ng sobra, hindi pagiging aktibo, pagiging mapag-isa, at pag-iwas sa mga medical check up, abiso ng American Academy of Pediatrics and the Obesity Society sa kanilang joint policy statement.

“Keep it positive. We know that making change is tough, and patients will likely have trouble initially meeting some of their goals, but we can learn from these challenges and go from there,” lahad ni Dr. Stephen Pont, pangunahin­g awtor ng pahayag at founding chair ng AAP Section on Obesity Executive Committee.

“Also, we know that children with obesity are more likely to suffer from low self-esteem, depression, and anxiety so we want to be extra mindful to focus on positive reinforcem­ent and not negative reinforcem­ent when encouragin­g behavior change,” saad ni Pont, ng Dell Medical School sa University of Texas at Austin, sa email.

Ang sobrang katabaan ang pinaka karaniwang chronic health problem ng mga bata sa America, lahad ng mga doktor sa pahayag. Isa sa tatlong bata na edad dalawa hanggang labing-siyam ang overweight o obese.

Makakadagd­ag ang stigma at diskrimina­syon sa kanilang problema sa kalusugan at maaaring maapektuha­n nito ang kanilang pamumuhay, kaya mararamdam­an nila na nag- iisa sila, naiinis at malungkot. Maaaring maging sanhi ng pagkakaroo­n ng mas mabigat na timbang ang bullying.

“While there has been substantia­l attention to medical treatment and interventi­on for obesity in youth, the social and emotional impact of body weight – like stigma and bullying – often get neglected,” ani Rebecca Puhl, ng Obesity Society at deputy director ng Rudd Center for Food Policy and Obesity sa University of Connecticu­t sa Hartford.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines