Balita

UV Baby Lancers, sabak sa PSSBC

-

BUKAS para sa provincial team University of the Visayas ang gaganaping Dickies Cup ng Philippine Secondary Schools Basketball Championsh­ip (PSSBC) sa Disyembre 16 sa SGS Stadium sa Quezon City.

Ang Baby Lancers, kampeon sa Cebu Schools Athletic Foundation Inc. (Cesafi), ang unang koponan mula sa labas ng Metro Manila na sasabak sa taunang high school league na tinatampuk­an ng apat na koponan mula sa UAAP at NCAA, at tatlo mula sa Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF).

Sasabak din sa torneo ang Far Eastern University, La Salle Greenhills, at Chiang Kai Shek College, gayundin ang Mapua, Letran, San Beda, University of Santo Tomas, Manila Patriotic School, at Hope Christian High School.

Ayon kay PSSBC chairman Rudy Yu ng Dickies, ang pagsali ng UV patunay sa pagtaas ng kalidad ng liga.

“As of now, nagkaroon kami ng isang bagong team from Cebu which is a good achievemen­t for us. Ibig sabihin, nakakatawa­g pansin na sa larangan ng secondary basketball ang PSSBC,” pahayag ni Yu.

Iginiit naman ni PSSBC management committee member Edster Sy na unti-unti na ring kinikilala ang liga sa komunidad ng Filipino-Chinese basketball.

“Natutuwa kami nung narinig namin sa Filipino-Chinese league na ‘yung laban for third place bakbakan kasi tatlo lang ang kukunin sa PSSBC. It’s one thing to motivate them na aside from getting that third place, they want to be in that circle na kasali ako sa PSSBC,” pahayag ni Sy.

Liyamado ang Chiang Kai Shek College para sa kampeonato ngayong season, sa pansamanta­la pahinga ng Adamson. Natalo ang Blue Dragons sa Baby Falcons sa nakalipas na championsh­ip.

“Halos same lang line-up pero may mga bago kaming players na pumasok. Very competitiv­e naman ‘yung team,” pahayag ni CKSC coach Goldwin Monteverde.

Nasa Group A ang FEU, San Beda, at Manila Patriotic, habang magkakasam­a sa Group B ang NU, Letran, at CKSC. Nasa Group C ang UST, Mapua, at UV at magkakasam­a sa Group D ang LSGH, at Hope Christian.

Sisimulan ng Blue Dragons ang kampanya kontra Letran Squiares sa Disyembre 16 sa SGS gym.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines