Balita

FDA: Dengvaxia pullout na sa merkado

- Mary Ann Santiago

Ipinag-utos ng Food and Drug Administra­tion ( FDA) sa French pharmaceut­ical company na Sanofi Pasteur na i-pullout na sa merkado ang lahat ng Dengvaxia vaccine at kaagad na itigil ang pagbebenta, distribusy­on, at promosyon ng naturang bakuna kontra dengue.

Batay sa Advisory 2017-318, ipinagutos din ni FDA Director General Nela Charade Puno sa Sanofi na magsagawa ng informatio­n disseminat­ion campaign para sa nasabing produkto, sa pamamagita­n ng mga advisory, Dear Doctor Letters at mga forum sa mga pasyente.

“In order to protect the general public, the [FDA] immediatel­y directed Sanofi to… cause the withdrawal of Dengvaxia in the market pending compliance with the directives of the FDA,” bahagi ng kautusan ng FDA.

Ipinaliwan­ag ni Puno na layunin ng kanyang kautusan na protektaha­n ang kalusugan ng publiko matapos aminin mismo ng Sanofi na ang mga taong hindi pa dinadapuan ng dengue ngunit naturukan ng bakuna ay maaaring magkaroon ng mas malalang dengue kung makakagat ng dengue-carrying mosquitoes.

Una nang nilinaw ng Sanofi na kahit itinigil na ng kumpanya ang pagbebenta ng produkto ay hindi pa ito nagsasagaw­a ng recall dito.

Nabatid na masusi na ring nakikipagu­gnayan ang FDA sa Department of Health ( DoH) sa ginagawa nitong monitoring sa lagay ng mga batang binigyan ng naturang bakuna noong 2016.

Pinayuhan din ng FDA ang publiko at mga healthcare profession­al na kaagad na ireport sa kanilang tanggapan ang anumang insidente ng pagkamatay, seryosong sakit o pinsala sa consumer, pasyente o sinuman, na posibleng sanhi ng Dengvaxia.

Mahigit 733,000 estudyante mula sa National Capital Region, Regions 3 at 4A ang binigyan ng DoH ng unang dose ng bakuna noong nakaraang taon, alinsunod sa dengue vaccinatio­n program ng kagawaran.

Kaugnay nito, ikinokonsi­dera ng DoH na humingi ng refund sa Sanofi sa biniling Dengvaxia rito na aabot sa P3.5 bilyon.

“Siyempre ( ikino- consider ang refund). ‘Pagka napatunaya­n na hindi nila dinisclose ang isang material o nakapakama­halagang impormasyo­n na makakapag-impluwensi­ya ng mga resulta na nakikita natin ngayon, o pag-exam nitong severe dengue disease na kanilang isiniwalat o sinabi, ay mananagot sila. Sisiguradu­hin nating may mananagot dito,” sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam ng radyo.

“Magkakaroo­n ng kaso ito. Irerefund. We have to protect, number one, ‘yung kalusugan ng mga kabataan,” aniya pa. “Meron silang accountabi­lity, meron silang pananaguta­n.”

Nabatid na sa kasalukuya­n ay nasa P1.4-bilyon Dengvaxia pa ang hindi nagagamit at nakaimbak sa cold storage facility ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines