Balita

Pari nirapido ng tandem

- Ni FER TABOY May ulat ni Leslie Ann G. Aquino

Blangko ang pulisya sa pamamaril at pagpatay ng apat na lalaki sa 72anyos na aktibistan­g pari na si Father Marcelito Paez sa Jaen, Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, bandang 8:00 ng gabi nang sinundan umano ng mga suspek, na magkakaang­kas sa dalawang motorsiklo, ang sasakyan ng pari at pinagbabar­il ito.

Nabatid sa imbestigas­yon na nagtamo ng siyam na tama ng bala ng .45 caliber pistol ang sasakyan ni Paez.

Kaagad na isinugod sa Gonzales General Hospital sa San Leonardo ang biktima ngunit binawian din ng buhay makalipas ang dalawang oras na operasyon, at idineklara­ng patay dakong 10:30 ng gabi.

Si Paez ay mula sa Diocese ng San Jose City, Nueva Ecija at naging coordinato­r ng Rural Missionari­es of the Philippine­s sa Central Luzon.

Kilala sa aktibong pagtutol sa militarisa­syon sa Nueva Ecija at Central Luzon, ilang oras bago paslangin nitong Lunes ay tumulong si Paez para mapalaya ang political detainee na si Rommel Tucay, organizer ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang LuzonNueva Ecija, mula sa pagkakapii­t sa Cabanatuan City.

Kinondena naman ni Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang pagpatay kay Paez sa isang post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP).

“We strongly condemn the unjust and brutal killing of Fr. Tito Paez,” saad sa post ni Mallari, at nanawagan sa mga awtoridad na magsagawa ng masusing imbestigas­yon at bigyan ng katarungan ang pamamaslan­g sa pari.

 ?? KEITH BACONGCO ?? TIKLO Nakakumpis­ka ang Davao City Police Office ng apat na assault rifle, iba’t ibang bala, at mga pampasabog nang salakayin ang bahay ng isang negosyante sa siyudad nitong Lunes.
KEITH BACONGCO TIKLO Nakakumpis­ka ang Davao City Police Office ng apat na assault rifle, iba’t ibang bala, at mga pampasabog nang salakayin ang bahay ng isang negosyante sa siyudad nitong Lunes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines