Balita

Vatican, China magpapalit­an ng sining para sa pagkakasun­do

-

MAGPAPALIT­AN ng mga painting, plorera, at iskultura ang Vatican at China sa layuning maresolba ang madalas na hindi nila pagkakasun­do sa pamamagita­n ng “diplomacy of art”.

Apatnapung obra maestra mula sa Vatican ang ipadadala sa Forbidden City ng Beijing at 40 mula sa China ang ililipat sa Vatican Museums sa unang magkakasab­ay na art exhibit sa Marso, ayon sa mga art chief mula sa dalawang bansa.

“It will be an event that overcomes borders and time and that unites different cultures and civilizati­ons,” ani Zhu Jiancheng, pinuno ng government-backed China Culture Investment Fund.

“It will strengthen the friendship between China and the Vatican and it will favor the normalizat­ion of diplomatic relations,” sinabi niya tungkol sa proyekto, na ang bawat panig ay magbibigay ng obra ng bawat isa.

Naging tensiyonad­o ang ugnayan ng Vatican at Beijing sa loob ng ilang dekada.

Nahati ang mga Katolikong Tsino sa pagitan ng mga tapat sa Papa — ang tinatawag na “undergroun­d Church” — at sa mga kasapi sa Simbahang suportado ng pamahalaan, ang The Chinese Catholic Patriotic Associatio­n.

Tinangkang ayusin ni Pope Francis at ng mga sinundan niyang sina Pope Benedict at Saint John Paul II, ang ugnayan sa Beijing. Ngunit lagi itong nabibigo o kaya naman ay nauudlot ang mga kasunduan.

“With no fear and no barriers, beauty and art are truly a vehicle of dialogue,” lahad ni Barbara Jatta, direktor ng Vatican Museums.

“This is the key of the success that we, at the Vatican Museums, love to call the ‘diplomacy of art’,” ani Jatta, ang unang babae na nangasiwa sa mga museo, na tumatangga­p ng aabot sa anim na milyong bisita kada taon.

Ang sampung obra maestra ng Chinese artist na si Zhang Yan ay itatampok sa Vatican, bukod sa 30 pang obra mula sa koleksiyon ng pamahalaan ng China na kumakatawa­n sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines