Balita

Miss U 2017 bumili ng flat shoes para makalibot sa Batanes

‘I’M VERY READY’

- Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Sabik na ang pinakamaga­gandang babae sa daigdig na makita ang ganda ng Batanes ngayong Biyernes. Isa sa pinakasabi­k ay si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters.

Sa pagtitipon na inorganisa para sa mga kandidata ng Miss Universe, tourism officials, media, at mga tagahanga, ibinahagi ng newly- crowned beauty queen kung gaano siya kahanda na makita ang pinakamaga­ndang atraksiyon sa Pilipinas.

Sinabi ng South African beauty na inihanda na niya ang kanyang flat shoes upang masulit ang kanyang island experience.

“I went to go buy flat shoes to go and see the island. Right now, I’m very ready,” aniya.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Corazon Teo, hindi na rin makapaghin­tay ang mga tao sa probinsiya na makita ang mga kandidata.

“People in the provinces are over excited to meet up with the girls,” sabi ni Teo.

Nakatakdan­g bisitahin ng Miss Universe 2017 candidates, kasama si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, ang Batanes, Bohol, at Camiguin.

Sa unang mga panayam, sinabi ni Teo na ang pagbisita sa Pilipinas ay bahagi ng Bring Home a Friend (BHAF) project ng tourism agency.

Ang BHAF ay isang referral incentive program kung saan ang mga Pinoy o Philippine expats na mag- iimbita ng dayuhan na bisitahin ang bansa ay magkakaroo­n ng pagkakatao­n na manalo ng premyo. Pipiliin ang tatlong sponsors at invitees sa grand draw.

Ayon sa DOT-BHAF website, maaaring sumali sa Sponsors Category ay ang mga Pinoy na nasa edad 18-pataas; Pinoy na may dual citizenshi­p na nakatira sa Pilipinas o abroad bilang residente o overseas contract workers na nasa hustong gulang; at foreigners (expatriate­s) na permanente­ng nakatira sa Pilipinas o pansamanta­la, nang hindi bababa sa anim na buwan.

Maaari namang sumali para sa Invitees Category ay ang mga may foreign passport o dual citizenshi­p na nakatira sa abroad ng hindi bababa sa anim na buwan; at nakapamasy­al sa Pilipinas.

Para sa impormasyo­n, maaaring bumisita sa bringhomea­friend. online/pages/mechanics.

 ??  ?? Nel-Peters
Nel-Peters

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines