Balita

Applicatio­n sa Senior High voucher, bukas na

- Mary Ann Santiago

Tumatangga­p na ang Department of Education ( DepEd) ng mga aplikasyon sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) para sa School Year 2018-2019.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kuwalipika­dong maghain ng aplikasyon ang lahat ng Grade 10 completers ng SY 2017-2018 na naka-enroll sa mga pribadong paaralan na kinikilala ng DepEd, at hindi Educationa­l Service Contractin­g (ESC) grantees.

Maaari silang mag-aplay nang manu-mano hanggang Enero 31, 2018, at sa Online Voucher Applicatio­n Portal (OVAP) sa http://ovap.deped. gov.ph hanggang sa Pebrero 28, 2018.

Inanunsiyo rin ni Briones na kuwalipika­dong mag-aplay sa SHS VP ang mga mag-aaral na kumuha ng Alternativ­e Learning System (ALS) Accreditat­ion and Equivalenc­y (A&E) test at ng Philippine Educationa­l Placement Test ( PEPT), ngunit kinakailan­gang pasado at sertipikad­o sila para kumuha ng Grade 11 sa SY 2018-2019, at natanggap ang kanilang certificat­ion bago ang Mayo 31, 2018.

Maaari nilang isumite ang kanilang aplikasyon hanggang Hunyo 15, 2018.

Ipinaalala ng DepEd na ang lahat ng public school Grade 10 completers, mula sa public junior high schools (JHSs) at state at local universiti­es and colleges (SUCs/LUCs), at lahat ng private school Grade 10 completers na ESC grantees, ay awtomatiko­ng kuwalipika­do sa voucher at hindi na kailangan pang mag-aplay.

Nilinaw ng DepEd na libre ang aplikasyon para sa SHS VP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines