Balita

Trump, binanatan sa pagkilala sa Jerusalem bilang Israeli capital

- IRRESPONSI­BLE

WASHINGTON (AFP, REUTERS) – Kinilala ni President Donald Trump ang pinag-aagawang lungsod ng Jerusalem bilang kabisera ng Israel nitong Miyerkules, na nagbunsod ng pagkondena ng buong mundo at mga pangamba sa panibagong pagdanak ng dugo sa Middle East.

Winakasan ng hakbang ni Trump ang pitong dekadang pagkalito ng US sa estado ng Holy City, na kapwa inaangkin ng mga Israeli at Palestinia­n.

Kinondena ng mga kalaban at kaalyado ang desisyon. Ngunit sinabi ng US president na ito ay nagmamarka ng simula ng ‘’new approach’’ sa pagreresol­ba sa matinik na IsraeliPal­estinian conflict.

‘’It is time to officially recognize Jerusalem as the capital of Israel,’’ ani Trump mula sa White House.

Tinawag ni Palestinia­n president Mahmud Abbas ang hakbang ni Trump na ‘’deplorable and unacceptab­le’’.

Nagbabala ang Hamas, ang Palestinia­n Islamist movement sa Gaza Strip, na binuksan ni Trump ang ‘’ gates of hell on US interests in the region.’’

Tanging si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang nalugod sa “courageous and just decision” ni Trump.

Nagngitngi­t ang Britain sa hakbang na inilarawan nitong ‘’unhelpful’’ at tinawag ng France na ‘’regrettabl­e.’’ Sinabi ng Germany na hindi nito sinusuport­ahan ang desisyon.

Iginiit ng walong bansa – ang Bolivia, Britain, Egypt, France, Italy, Senegal, Sweden at Uruguay – na magkaroon ng emergency meeting ang UN Security Council. Itinakda ito sa Biyernes.

Sinabi ni UN Secretary General Guterres na mareresolb­a lamang ang final status ng Jerusalem sa pamamagita­n ng direct negotiatio­ns ng Israel at Palestinia­ns.

Tinawag ng Turkey ang desisyon na ‘’irresponsi­ble’’ at illegal. Sinabi ng Iran na gagalitin nito ang mga Muslim at ‘’ inflame a new intifada.’’

Binansagan ng Saudi Arabia ang hakbang na ‘’ unjustifie­d and irresponsi­ble’’ -- at taliwas sa ‘’historical and permanent rights of the Palestinia­n people.’’ Humiling ang Jordan at Palestinia­ns ng emergency meeting sa Arab League.

Nagdeklara ang Palestine Liberation Organizati­on ng strike sa buong West Bank kahapon, habang nanawagan ang Hamas ng ‘’day of rage’’ sa Biyernes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines