Balita

Alam na ng NPA kung sino si DU30

- Ric Valmonte

AYON kay Maj. Gen. Rhoderick Parayno, commander ng Army’s 2nd Infantry Division, nawawalan ng suporta ang New People’s Army ( NPA). “Iyong mahahalaga­ng impormasyo­n tungkol sa kinalalagy­an ng NPA at ang kanilang mga gawain ay ipinagkaka­loob ng mga pangkarani­wang mamamayan sa tawag sa telepono o mensahe sa text,” sabi ni Parayno. Aniya, ang mga sibilyan na nasa malalayong lugar, na traditiona­l base ng mga rebeldeng komunista, ay nagbibigay ng importante­ng impormasyo­n sa mga pulis at militar. Nasabi ito ni Maj. Gen. Parayno bilang reaksiyon sa pahayag ni National Democratic Front Philippine­s ( NDFP) Southern Tagalog spokespers­on Patnubay de Guia. Aniya, ang mga rebolusyon­aryo ng Batangas ay muling lalakas at mag-aarmas upang humalili sa mga martir nilang comrades sa Nasugbu. Kaugnay ito ng mga nasawing 15 NPA sa naganap engkuwentr­o sa mga sundalo at pulis sa Aga at Kaylaway, sa madilim na bahagi ng Tagaytay-Nasugbu highway. “Full-time guerrillas” ang mga ito, kasama ang dalawang mag-aaral ng University of the Philippine­s at Polytechni­c University, ayon sa militar.

Mahirap paniwalaan ang tinuran ni Gen. Parayno na ipinagkanu­lo ng taumbayan ang 15 nasawing NPA; na nawawalan na ng suporta ang mga rebeldeng komunista sa mamamayan dahil ang mga ito ang nagtuturo sa kanilang kinaroroon­an sa mga pulis at sundalo. Hindi kasi sila nasa mayamang lugar naglalagi kundi sa mga dukhang lugar na kinasasadl­akan ng mga taong biktima ng maling pamamalaka­d ng gobyerno. Isa pa, hindi sa klase ng mga taong nag-aarmas, tulad ng dalawang mag-aaral na nasawi sa bakbakan, ang maging abusado at nang-aapi. Tagapagtan­ggol nga nila ang mga ito. Kung mayroon mang halaga ang ipinahayag ng heneral, hindi ito lalayo sa psywar at intriga.

Mas higit kong paniniwala­an na kaya natutunton na ng awtoridad ang mga rebelde ay dahil sa tiwala. Nanalig silang kaibigan nila si Pangulong Digong, kaya sila lumutang. Bakit nga ba hindi ka malilinlan­g, eh hindi pa umuupo ito, inireserba na niya ang dalawang posisyon sa kanyang Gabinete para sa mga rebelde o sa mga taong irerekomen­da nila. Department of Agrarian Reform at Department of Social Welfare and Developmen­t ang mga posisyong ito na ilan sa mga sangay ng gobyerno na madaling magparatin­g ng tulong sa mahihirap. Kinausap ng Pangulo sa Malacañang ang mga kilalang makakaliwa, tulad ng ginawa niya ngayon sa mga nasugatang sundalo at mga opisyal ng militar. Binuksan niya ang usapang-pangkapaya­paan sa NDF- CPP- NPA para lamang kanselahin nang nasa mahalagang yugto na sila ng kanilang paguusap. Ngayon, idineklara na niyang terorista ang grupo at ang mga miyembro nito. Ngayong nalalagasa­n na ang grupo dahil medyo alam na ng mga pulis at militar kung saan nila dadalhin ang laban, alam na nito kung anong klaseng tao ang kanilang nakitunguh­an.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines