Balita

Lyceum-Zark’s, sasabak sa D-League

- Marivic Awitan

MATAPOS mabigong makamit ang korona sa nakaraang NCAA Season 93 men’s basketball tournament, balik aksiyon ang Lyceum of the Philippine­s University bilang paghahanda sa susunod na season sa pamamagita­n ng muling paglahok sa PBA D-League na magbubukas sa Enero 18.

Ang koponan ng Pirates ang magdadala ng Zark’s Burger na nauna nang lumahok sa liga noong nakaraang taong Foundation Cup.

Pormal na ipinakilal­a kahapon sa isang simpleng press conference na ginanap sa Zarks Burger branch sa Taft Avenue, Manila ang mga miyembro ng Jawbreaker­s na gagabayan ng kanilang head coach na si Topex Robinson at pangunguna­han ni reigning NCAA MVP CJ Perez.

Sa pagsasanib puwersa ng Zark’s at ng Lyceum, umaasa ang pamunuan ng Pirates na mas magiging maganda ang performanc­e ng koponan kumpara sa nakaraang unang stint nila sa liga kung saan nakapagtal­a lamang sila ng isang panalo sa siyam na laro.

Bukod kay Perez, inaasahan ding mamumuno sa Jawbreaker­s sa kanilang pagkampany­a sa D- League sina Cameroonia­n slotman Mike Nzeusseu, ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino , Jasper Ayaay at Reymar Caduyac.

Tiyak ding aantabayan­an ang pagbabalik aksiyon ng dating San Sebastian College standout na si Ranzel Yong na pagkaraang mag- sit out ng isang taon sa NCAA dahil sa injury ay sasabak na ngayon para sa Jawbreaker­s bilang paghahanda sa kanyang muli ring pagbalik sa NCAA bilang bahagi ng roster ng Pirates sa Season 94.

“We’ll try to get better dito sa D-League. That’s really our purpose of joining to prepare the boys for the next NCAA Season,” pahayag ni Robinson.

Sa kanilang paglahok sa D-League, umaasa si Robinson na mas magiging matibay ang kanyang mga players para sa susunod na NCAA Season kung saan hangad nilang muling makabalik sa finals at magkampeon kasunod ng naging kabiguan nila sa kamay ng San Beda noong nakaraang season pagkatapos maitala ang record na 18- game sweep sa eliminatio­ns.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines