Balita

Wala munang number coding scheme

- Anna Liza Villas-Alavaren

Suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), o number coding scheme, ngayong Lunes, Disyembre 25 at sa Disyembre 26 at Enero 1, kaugnay ng selebrasyo­n ng Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA).

“In view of the holidays, the number coding scheme is lifted on December 25 and 26, 2017 and January 1, 2018, including Makati and Las Piñas,” saad sa advisory ng MMDA.

Alinsunod sa number coding scheme, na layuning maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa mga kalsada sa Metro Manila, pinagbabaw­alan ang mga sasakyan na dumaan sa mga pangunahin­g lansangan simula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, depende sa huling numero ng kanilang plaka.

Ayon kay Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, nananatili­ng manageable ang trapiko sa metropolis kahapon, holiday rush dahil bisperas ng Pasko.

Batay sa monitoring ng MMDA, karaniwan nang nararanasa­n ang matinding pagsisikip ng trapiko sa mga lugar ng pamilihan, gaya ng Commonweal­th at Balintawak, at sa mga kalsadang kinaroroon­an ng malalaking shopping mall, port area sa Maynila, at malapit sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) sa Parañaque City.

Sa buong panahon ng holiday period, sinabi ni Nebrija na buong puwersang itatalaga sa Metro Manila ang lahat ng 2,200 traffic enforcers ng MMDA.

“We are implementi­ng a no holiday, no day off, and no absent policy,” ani Nebrija.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines