Balita

Dasal para sa na-EJK, binagyo ngayong Pasko

- Leonel M. Abasola

Nanawagan sina Senators Leila de Lima at Francis Pangilinan sa sambayanan na mag- alay ng dasal para sa mga biktima ng extra-judicial killings (EJKs), lalo na para sa mga brutal na pinaslang sa drug war ni Pangulong Duterte.

Sa kanilang pahayag, igiiit ng dalawa na maraming tao ang magdiriwan­g ng Pasko na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa EJK.

“Ipanalangi­n din natin ang mga naulilang ina, ama, asawa, anak at kapatid na haharapin ang Pasko sa gitna ng pagluluksa at paghahanap ng hustisya sa mga pinaslang ng madugong pamamalaka­d ng rehimeng Duterte,” ani De Lima.

Ito rin ang unang pagkakatao­n na ipagdiriwa­ng ni De Lima ang Pasko sa bilangguan, at hiwalay sa kanyang ina.

“Many lost family and friends to a bloody campaign that has resulted in pain and grief for its victims. Many will celebrate away from the homes they have been denied the chance to return to. Many will celebrate alone. But although it is saddening, they represent the heart of the fighting Filipino: we are a resilient people, a nation that always looks to hope and love when all seems too difficult,” ayon naman kay Pangilinan.

Ipinanalan­gin naman nina Senators Grace Poe at Nancy Binay ang katatagan ng sambayanan sa gitna ng mga kalamidad.

“We pray for strength and resilience for the victims, as we gather support to make them overcome this tragedy, especially this holiday season,” dalangin ni Poe.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines