Balita

Magpapaput­ok sa bahay sa Bagong Taon huhulihin

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sa nalalapit na pagdiriwan­g ng Bagong Taon, muling nagpaalala ang Malacañang laban sa paggamit ng mga paputok, idiin ang Executive Order (EO) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon na nagre-regulate sa paggamit ng mga paputok.

Ito ay matapos iulat ng Department of Health (DoH) na mayroon nang apat kataong nabiktima ng paputok sa tala nitong Sabado, isang linggo bago ang pagsalubon­g sa Bagong Taon.

Pinaalalah­anan ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang publiko na ipinagbaba­wal na ngayon ang paggamit ng mga paputok sa labas ng itinalagan­g lugar, alinsunod sa EO 28 ni Duterte.

“Pinirmahan na po ni Presidente ang polisiya na ‘yan, na magkaroon po tayo ng isang designated firecracke­r display area,” ani Andanar sa Radyo Pilipinas.

Nakasaad sa EO 28, na nilagdaan ni Duterte noong Hunyo, ang regulasyon at pagkontrol sa paggamit sa mga paputok at iba pang pyrotechni­c devices.

Sa ilalim ng EO, lilimitaha­n ang paggamit ng paputok sa community fireworks display upang maiwasan ang disgrasya o pagkamatay.

“’Pag kayo po ay magpapaput­ok sa inyong mga tahanan ay huhulihin po kayo ng barangay ninyo, wala ho kayong magagawa,” paalala ni Andanar.

Sinabi ni Andanar na kailangan lamang na masanay ang mga Pilipino sa bagong kaugalian dahil para naman ito sa kaligtasan ng publiko.

“At the end of the day, we will all realize na mas masaya na meron lang isang designated area na pwedeng magpaputok, ma-e-enjoy natin lahat,” aniya.

“Tapos meron pang nagbabanta­y na taga-barangay o PNP (Philippine National Police) para siguraduhi­n na wala ho diyang mga paputok na nakakamata­y.”

Batay sa EO, ang display of fireworks ay maituturin­g na community fireworks display kapag ito ay isinagawa bilang bahagi ng selebrasyo­n, kompetisyo­n, o mga parehong okasyon na isinagawa sa isang lugar, maliban sa bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines