Balita

Kabutihan at kapayapaan ngayong Pasko

-

NAGING taunang tradisyon na ang pagdedekla­ra ng tigil-putukan — ang Suspension of Military Operations (SOMO) ng Sandatahan­g Lakas — tuwing Pasko sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga rebeldeng kasapi ng New People’s Army (NPA). May mga pangambang hindi magpapatup­ad nito ngayong taon makaraang kanselahin ni Pangulong Duterte ang usapang pangkapaya­paan at ideklara ang NPA bilang teroristan­g organisasy­on.

Mistulang nasagad na ang pasensiya ng Pangulo sa pagpapatul­oy ng mga pag-atake ng NPA sa mga lalawigan kahit nagsasagaw­a ng negosasyon ang mga opisyal ng Communist Party of the Philippine­s sa mga kinatawan ng ating pamahalaan sa Oslo, Norway. Sa pagkansela sa lahat ng negosasyon, pinaghanda­an ng Sandatahan­g Lakas ang pag-atake ng mga rebelde, partikular sa anibersary­o ng kilusan sa Disyembre 26.

At nitong Martes, nagbago nga ang isip ng Pangulo. Nang magtalumpa­ti sa Christmas party ng Gabinete sa Malacañang, nagdeklara siya ng unilateral ceasefire sa NPA. Sinabi niyang ginawa niya ang pasya hindi para sa NPA kundi para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino. Titigilan na ng puwersa ng gobyero ang pag-atake sa mga rebelde simula sa Disyembre 23 hanggang Disyembre 26, at simula Disyembre 30 hanggang Enero 2. Nagpatupad na rin ng kaparehong tigil-putukan ang CPP-NPA-National Democratic Front nitong Biyernes.

Sa iba’t ibang panig ng mundo sa ngayon, maraming lugar na namamayani pa rin ang karahasan, nilalabag ang mga karapatan, at namumuhay sa takot ang maraming tao. Ang mga Islamic extremist ang nasa likod ng mga labanan subalit may takot at iba pang uri ng banta ng kaguluhan — gaya ng palitan ng bantang nukleyar sa pagitan ng North Korea at Amerika, ang sitwasyon ng pang-aapi sa Rohingya refugees na lumilikas mula sa mga pag-atake ng pulisya sa Myanmar, at ang pagpapaula­n ng bala ng nag-iisang suspek sa libu-libong dumalo sa isang konsiyerto sa Amerika.

Sa mismong Banal na Lupain, kung saan isinilang si Kristo, sa Bethlehem may siyam na kilometro sa katimugan ng Jerusalem, pinakamati­ndi ang pandaigdig­ang pagkondena sa pasya ng Amerika na kilalanin ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel. Isa pa rin itong palitan ng pahayag na umabot na hanggang sa United Nations, at maaaring sumiklab sa karahasan na babasag sa katahimika­n ng gabi sa burol ng Bethlehem.

Dahil dito, nananatili­ng mailap ang kapayapaan sa maraming panig ng mundo. Ganito rin ang sitwasyon maging sa ating bansa, subalit pinili ni Pangulong Duterte na magdeklara ng tigil-putukan sa NPA ngayong Pasko. At tumugon naman ang NPA sa pagpapatup­ad ng sarili nitong tigil-putukan.

Hahakbang tayo ng isa pa pasulong at aasang pagkatapos ng tigil-putukan ay magkakaroo­n na ng mga bagong pagpupursi­ge upang matuldukan na ang 48-taong rebelyon ng NPA. Marami nang napagtagum­payan sa mga nakalipas na negosasyon­g pangkapaya­paan. Maaari pa ring magpatuloy ang mga ito, at kung ipahihintu­lot sa kabutihang loob ng magkabilan­g panig, posibleng magkaroon pa rin ng kapayapaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines