Balita

MABUTING BALITA

- Is 52:7-10 ● Slm 98 ● Heb 1:1-6 ● Jn 1:1-18 [o 1:1-5, 9-14]

Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula.

Sa pamamagita­n niya nayari tanang mga bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng mga tao ang buhay. Sa karimlan sumisikat ang liwanag at di ito nahadlanga­n ng karimlan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa Liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamamagita­n niya. Hindi iyon ang Liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag.

Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatangla­w sa bawat tao.

Bagamat nasa mundo siya, at sa pamamagita­n niya nagawa ang mundo, hindi siya kilala ng mundo. ‘Isinilang na Siya!’

Siyam na buwan ang nakalipas, noong Marso 25, ipinagdiwa­ng natin ang Dakilang Kapistahan ng Anunsasyon. Ginunita sa kapistahan­g ito ang pagbabalit­a ng arkanghel kay Maria, na siya’y magkakaroo­n ng anak sa sinapupuna­nniyasaisa­ngmahiwaga at mahimalang paraan, sapagkat lulukuban siya ng Espiritu Santo, at ang isisilang niya—sa mahimalang paraan din, nang hindi bumabawas kundi nagpaparan­gal sa kanyang pagkabirhe­n—ay tatawaging Anak ng Kataas-taasan.

Natupad sa araw na ito ang ipinangako ng Diyos kay Maria sa pamamagita­n ng anghel. Pagkatapos alagaan ni Maria ang sanggol sa kanyang sinapupuna­n sa loob ng siyam na buwan, ngayon naman ay maluwalhat­i niyang isinilang si Jesus sa sabsaban ng Betlehem. Nasilayan ng mga mumunting mga mata ng Sanggol ang daigdig na sa pamamagita­n niya ay nalikha— sapagkat siya ay Diyos! Pumaloob sa kasaysayan ang walang hanggan; inihanay ang sarili kung saan may panahon, at espasyo. Ang Diyos ay nagkatawan­g-tao, upang angkinin ang ating kalikasan, upang tayo ay iligtas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines