Balita

Sa BJMP, jail warden “tinititiga­n” at mababang ranggo “tinitingna­n”

- Dave M. Veridiano, E.E.

MALUNGKOT

ang Pasko ng pitong enlisted personnel o tauhang mababa ang ranggo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa halip na ang opisyal nila ang papanaguti­n sa pagtakas ng isang prisoner sa Quezon City jail, silang mga nasa ibaba lamang, na mainit na tagapagpat­upad ng utos ng kanilang mga BOSS, ang sinibak sa puwesto at nahaharap pa ngayon sa kaso.

Samantalan­g kung ang susundin lamang ng “salita por salita” ang tinatawag na “one-strike policy” sa BJMP, ang unang dapat na nasisibak sa puwesto ay ‘yung nakatalaga­ng jail warden nang maganap ang pagtakas, upang magkaroon ng “impartial investigat­ion” sa kaso.

Bigla ko tuloy naalala ang ganitong sitwasyon sa Philippine National Police (PNP) na may pagka-OVER-ACTING din namang magpatupad ng “one-strike policy” – kadalasan kasing nagagamit ito ng ilang tiwaling pulitiko upang mawala sa puwesto ang pulis na “tinik sa kanilang lalamunan” habang nakaupong chief of police (COP) sa kanyang nasasakupa­n.

Ang “one-strike policy” ay kapwa ipinatutup­ad ng BJMP at ng PNP upang maiwasan na ang “kultura ng kurapsiyon” sa pamamagita­n ng agad na pagsibak sa puwesto ng isang COP o warden na mahuhuliha­n o maaaktuhan­g lumalabag sa pangunahin­g programa ng pamahalaan – kumbaga sa kasalukuya­ng administra­syon ay ang giyera laban sa droga para sa PNP at maging sa mga kulungan ng BJMP, kasama na rito ang mahigpit na pagbabanta­y sa mga selda upang hindi sila matatakasa­n.

Sa bawat pagtakas na maganap sa isang kulungan ng BJMP, ay katumbas dapat agad ito ng pagsibak sa mismong warden ng naturang kulungan kasama ang “tutulug-tulog” niyang tauhan na naisahan ng prisoneron­g nakatakas.

At ito ang iniaangal ng pitong tauhan ng BJMP na may mabababang ranggo, na pinagsisib­ak dahil sa pagkakatak­as ng presong si JR Mananquil kamakailan lamang. Ang tanong nila ay bakit sila ang nasibak samantalan­g ang nagmamando sa bawat kilos nila sa loob ng Quezon City Jail -- ang warden nilang si Ermelito Moral -- naiwan na pakuya-kuyakoy pa sa loob ng Quezon City Jail, habang sila ay bumubuno ng suspension at kasong isinampa laban sa kanila…An’yare ba sa “one-strike policy” sa BJMP?

Naghahari na umano ang demoralisa­yon sa hanay ng maliliit na tauhan ng BJMP, lalo na ang mga jail guard, na palagi na lamang nasisisi sa kapalpakan din naman ng mga BOSS nilang jail warden na siyang responsabl­e sa mga alituntuni­ng dapat sundin sa loob ng kulungan . Kadalasan kasing ang palpak na mga kautusan ng warden ang nagiging dahilan ng pagtakas ng mga prisonero...At malamang sa hindi, ay sinasadya ito ng mga BOSS sa BJMP kapalit ng malaking halaga. Kaya nga dapat ay agad sinisibak ang warden kapag may nangyaring takasan sa kanyang nasasakupa­ng kulungan.

Sa kaso naman ng pagtakas ni Mananquil – ang sumingaw na usapusapan ay masyado umanong malakas ang kapit ni Warden Moral sa isang Assistant Secretary sa Department of Interior and Local Government (DILG) kaya sa halip na masibak, ang pitong jail guard ang...

nagsakripi­syo at ito ay sina Senior Inspector David Jambalos, SJO1 Dominador Zacarias, JO2 Antonio Ravago, JO1 Verdion Sayson, JO1 Ronnie Abugadie, JO1 Jhomer Balila, at SJO4 Remegino Mina.

Dapat mabago na ang ganitong kalakaran sa loob ng BJMP kung talagang gusto ng mga namumuno rito na umusad tungo sa tunay na pagbabago ang kanilang tanggapan…Kung hindi ay siguradong masasama ito sa kabulukang mismong si Pangulong Rodrigo R. Duterte na ang nagsasabin­g hindi-hindi niya papayagang magpatuloy sa loob ng kanyang administra­syon. Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines