Balita

Tigil bungangaan din

- Ric Valmonte

INIHAYAG kahapon ng New People’s Army (NPA), ang armadong sangay ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), na magpapatup­ad din ito ng unilateral ceasefire simula 6:00 ng gabi ng Disyembre 23 hanggang 6:00 ng gabi ng Disyembre 26, at 6:00 ng gabi ng Disyembre 30 hanggang 6:00 ng gabi ng Enero 2, 2018.

Ang pahayag ng NPA ay inilabas dalawang araw makaraang sabihin ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na nagdeklara si Pangulong Duterte ng Christmas truce sa NPA simula 6:00 ng gabi ng Disyembre 23 hanggang 11:59 ng gabi ng Disyembre 26, at 6:00 ng gabi ng Disyembre 30 hanggang 11:59 ng gabi ng Enero 2, 2018.

Maigsi ng kalahating araw ang ceasfire na inihayag ng NPA. Gayunman, ikinatawa ito ng Malacañang. Kasi, pagkatapos magdeklara ng Pangulo ng tigil-putukan, wala raw itong tiwala na gagawin ito ng rebeldeng grupo, ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque. Aniya, umaasa pa rin ang Pangulo, pero kung hindi, magpapatun­ay lang ito sa sinasabi niya na ang NPA ay traydor. Mahirap mong maisahan ang Communist Party of the Philippine­s(CPP)-NPA. Haloskalah­ating siglo nang lumalaban ang mga ito sa gobyerno. Ang communist insurgency sa bansa ay isa sa pinakamata­gal sa Asya. Kaya, sanay na sila sa labanan. Alam nila na ang digmaan ay hindi lang labanan ng armas, labanan din ito ng pagkuha ng simpatya at suporta ng taumbayan. Hindi tatagal sa labanan ang partidong walang malasakit at tulong sa mamamayan. Hindi katanggapt­anggap sa taumbayan ang maghasik ng kaguluhan sa panahong sila ay nagsasaya. Kaya, kahit ikaw ay nasa gobyerno o nasa rebeldeng grupo, wala kang pagpipilia­n kundi ang patahimiki­n mo muna ang iyong sandata. Bagamat nagdeklara ng kani-kaniyang tigilputuk­an ang gobyerno at ang NPA, pareho itong nagpahayag na nanatiling silang alerto sa kanilang depensa.

Sa Davao City, inulit na naman ng Pangulo ang akusasyon niya sa mga komunistan­g rebelde na sinabotahe nila ang peace talks sa pamamagita­n ng kanilang pag-atake sa mga sundalo at pulis kahit nagpapatul­oy ang negosasyon. Ayon naman kay Jorge “Ka Oris” Madlos, tagapagsal­ita ng NPA, ang mga rebelde ay nababahala sa umano’y kataksilan, pag-atake at panloloko ng militar noong mga...

naunang unilateral ceasefire ng nakaraang gobyerno. Sa gitna ng palitan ng akusasyon ng katraydura­n sa pagitan nila Pangulong Digong at NPA Spokespers­on Madlos, mabuhay ang kaniya-kaniyang idineklara­ng tigil-putukan. Gumalaw lang nang kaunti ang sinuman sa dalawang panig, magsisimul­a na naman ang gulo. Kaya, upang hindi malagay sa panganib ang tigil-putukan, dapat ay may ceasefire din sa pagmumura at pagbibinta­ng na nakapagpap­ainit ng damdamin. Tigil bungangaan din.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines