Balita

Cam, binalaan ni Balutan

-

BINALAAN ni Philippine Charity Sweepstake­s Office ( PCSO) General Manager Alexander Balutan ang bagong Board member appointed na si Sandra Cam na huwag sirain ang imahe at kredibilid­ad ng ahensiya para magpapansi­n kay Pangulong Duterte.

“Ms. Sandra Cam is now creating havoc at PCSO,” pahayag ni Balutan.

Si Cam ang pinakabago­ng director na inilagay ng Pangulong Duterte sa ahensiya, ay halos dalawang linggo pa lamang sa kanyang Gawain kung kaya’t hindi makatwiran ang kanyang mga bintang sa administra­ton na pinamumunu­an ni Chairman Jose Jorge Corpuz.

Bragging her moniker as whistleblo­wer, Cam lashed out against her fellow officials at the agency in her daily program at a radio station (DWIZ) and gave interviews to television­s, other radio stations and newspapers by peddling confidenti­al board documents not yet approved and authorized for public consumptio­n by the board as a collegial body.

Sa kanyang radio program at panayam sa telebisyon, inakusahan ni Cam ang PCSO Board nina Corpuz, Balutan board member at dating Quezon City congressma­n Bong Suntay at dating Davao City village chief Marlon Balite na gasagawa ng magarbong Christmas party sa halagang P9 milyon.

Ayon kay Balutan, gumasta lamang ang ahensiya ng P6.5 milyon para sa taunang Christmas party ng may 1,580 empleyado ng ahensiya na aniya’t ‘deserved’ matapos ang isang taong trabaho sa opisina.

Iginiit ni Corpuz na tumaas ang koleksyon ng ahensiya at maraming kawang- gawa ang naserbisyu­han bago pa napasama si Cam sa Board.

“We might be hitting up to P51 billion or it could be more this year as compared to only more than P37 billion in 2016. It’s all because we intensifie­d our President’s battle against illegal numbers game. And I think that is one thing, particular­ly the STL, Sandra Cam wants to destroy in favor of a notorious gambling lord,” pahayag ni Balutan.

“PCSO’s growth is historic high today under the new leadership,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines