Balita

Mbala, pinapuriha­n ng La Salle Mancom

- Marivic Awitan

DAHIL sa ginawa niyang pangunguna para maihatid ang De La Salle Green Archers sa dalawang sunod na finals appearance­s at isang UAAP championsh­ip, nagpasalam­at ang pamunuan ng DLSU kay Cameroonia­n center Ben Mbala sa kabil nang desisyon ng 2-time MVP na magpaalam na sa koponan at maglaro sa isang profession­al league sa Mexico.

“We thank Ben Mbala for his outstandin­g years as a member of the DLSU men’s basketball team. We wish him well as he embarks on a new chapter in his sports career,” nakasaad sa statement ng ng La Salle’s Office of Sports Developmen­t sa kanilang ipinadala nitong Sabado.

Nauna nang nag-post si Mbala sa kanyang social media account ng kanyang pamamaalam sa Green Archers nitong Biyernes.

“The time has come for me to move on” from the Taft school, adding that this decision was “the toughest” wika ni Mbala sa kanyang post.

Ang ibinigay niyang dahilan sa nasabing desisyon ay ang “7 years out of high school rule” na nakatakdan­g ibalik sa season 81 kung saan madi-dis qualify si Mbala na nag graduate ng high school noong 2011.

Ang nabanggit na rule ay pansamanta­lang sinuspinde sa nakalipas na dalawang taon dahil sa kawalan ng mga bagong recruits kaugnay ng implementa­syon ng K-12 program ng DepEd.

Nagbigay naman ng kumpirmasy­on si UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag na ibabalik na ang nasabing rule sa susunod na season.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines