Balita

Ica Policarpio natagpuang ligtas

- Ni BELLA GAMOTEA

Natagpuan na kahapon at kapiling na ngayon ng kanyang pamilya si Patricia “Ica” Policarpio, 17.

Ito ang kinumpirma nina National Capital Region Police Office ( NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde at Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. kaugnay ng ligtas na pagkakatag­po kay Ica na pamangkin ni dating Presidenti­al Legislativ­e Liason Office chief Jimmy Policarpio.

Base sa report, natagpuan ng mga barangay tanod ang dalagita sa tabi ng isang carinderia sa Leon Guinto Street, Barangay II-B, San Pablo City, Laguna sa pagitan ng 5: 00 ng madaling araw hanggang 6:00 ng umaga kahapon.

Sa Facebook post ng kapatid ng biktima na si Bea, inanunsiyo nito ang ligtas na pagkakatag­po ni Ica kalakip ang isang larawan na magkayakap ang mag-ina.

Nagpaabot din ng pasasalama­t ang pamilya sa lahat ng tumulong sa paghahanap kay Ica na iniulat na nawala noong Disyembre 21, dakong 10:53 ng gabi.

“I immediatel­y sent the informatio­n to all our districts and media friends. Since she was last seen in Sucat, Parañaque, the Southern Police District headed by Police Chief Superinten­dent Tomas Apolinario Jr led the initial efforts. Immediatel­y, a talk with Ica’s parents was initiated. After gathering informatio­n, the SPD provided a hotline for any informatio­n from the public. The informatio­n spread like wildfire and the search became nationwide. Our nearby police regional offices 1, 3, 4A, and 5 also helped spread the informatio­n,” ani Albayalde.

Ayon kay Apolinario, ang pagkakatag­po kay Ica ay resulta ng kooperasyo­n ng mga miyembro ng komunidad, netizens at pulisya.

“Magandang example ito ng cooperatio­n at saka ‘yung assistance ng police at ng public. Kasi kung walang magre-report din sa amin, hindi rin namin makikita ‘yan, hindi namin mai-inform ‘yung mga local police na sila ang nagpadala rin ng mga flyers,” ani Apolinario.

 ??  ?? Sa Facebook post ni Bea Policarpio, inanunsiyo niya ang pagkakatag­po sa kanyang kapatid na si Patricia “Ica” Policarpio. Si Ica ay natagpuan sa Laguna matapos huling mamataan sa Muntinlupa City.
Sa Facebook post ni Bea Policarpio, inanunsiyo niya ang pagkakatag­po sa kanyang kapatid na si Patricia “Ica” Policarpio. Si Ica ay natagpuan sa Laguna matapos huling mamataan sa Muntinlupa City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines