Balita

Lookout bulletin vs Noynoy, Garin

- Rey G. Panaligan

Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na isang opisyal ng pamahalaan ang lumutang upang ibunyag ang mga iregularid­ad sa pagbili ng P3.5 billion Dengvaxia vaccine para sa dengue immunizati­on program ng nakalipas na administra­syon.

Sa isang panayam, sinabi ni Aguirre na “this government official is a very, very important witness who knows the transactio­n from beginning to end.”

Gayunman, tumanggi si Aguirre na pangalanan ang opisyal, na aniya ay makakapulo­ng niya pagkatapos ng Pasko.

Nagbolunta­ryo, aniya, ang opisyal na makipagtul­ungan sa National Bureau of Investigat­ion (NBI) na nagsasagaw­a ng imbestigas­yon para matukoy ang civil at criminal liability ng mga nasa likod ng pagbili ng Dengvaxia vaccine.

Nauna nang sinabi ng DoJ secretary na inatasan niya ang NBI na palakasin ang kaso laban sa mga nasa likod ng pagbili ng Dengvaxia vaccine matapos payuhan ng manufactur­er nito ang publiko na epektibo lamang ang bakuna sa mga taong nagkaroon na ng dengue ngunit mapanganib sa mga hindi pa nagkaroon ng naturang sakit.

Naglabas rin si Aguirre ng lookout bulletin order (LBO) laban kina dating Presidente Benigno Aquino III, dating health secretary Janette Garin at anim pang mga opisyal na nag-apruba sa programa noong 2015.

Inisyuhan ng LBO si Aquino at ang ibang mga opisyal ay kinasuhan batay sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman ng Gabriela Party-List at ng ilang mga magulang ng mga batang nabakunaha­n.

Bukod kina Aquino at Garin, kinasuhan din sina dating budget secretary Florencio Abad, dating executive secretary Paquito Ochoa Jr., Sanofi Pasteur vice president ng dengue vaccine Guillaume Leroy, Sanofi chief executive officer Oliver Brandicour­t, Sanofi Pasteur medical doctor Ruby Dizon, Sanofi Pasteur representa­tive Thomas Triomphe, at Sanofi-Adventis Philippine­s country chair Carlito Realuyo.

Kinasuhan sila ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa pag-apruba sa programa na diumano’y “grossly disadvanta­geous to the government and detrimenta­l to the health and welfare of its recipients, due to the lack of comprehens­ive study on the effectivit­y and risks of the vaccines.”

Nauna rito ay inatasan ng Supreme Court (SC) ang Department of Health (DoH), Department of Education (DepEd) at Department of Interior and Local Government (DILG) na bantayan ang mahigit 800,000 batang naturukan ng Dengvaxia vaccine at pagkalooba­n sila ng libreng medical services at lunas kung kinakailan­gan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines