Balita

Kris, ayaw pagasawahi­n ni Bimby

- Ni NORA CALDERON

‘KAALIW

si Kris Aquino nang maglive video siya habang nasa hotel room nila sa Tokyo, Japan a few hours bago lumipat ang petsang December 24. Hindi namin nasimulan ang video live niya kaya hindi namin nalaman kung sino ang nagturo sa kanya, kaya hindi niya alam kung naririnig daw siya habang nagpatugto­g ng Christmas songs, kung napapanood daw ba siya, at kung paano raw niya sasagutin ang questions at messages sa kanya.

Sagot ni Bimby, “I don’t know, I’m just ten years old.”

Si Bincai ( personal assistant) yata ang sumasagot na naririnig siya at basahin lamang niya iyong mga pumapasok na messages at questions na nakikita niya sa screen. It seems maraming nakakita sa kanyang live video kaya sunudsunod ang pasok ng messages and questions mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ano raw ang ginagamit niyang lipstick bagay daw sa kanya, kaya nagbigay pa ng lesson si Kris tungkol sa ginagamit niyang liquid red lipstick na ilang araw na niyang ini-apply pero hindi pa natatangga­l, dahil daw hindi siya naglagay ng lip gloss.

“Matatangga­l lang ito kapag nagsimula na akong mag-shooting sa March,” nagbibiron­g sabi pa ni Kris. “I’m doing a movie for Netflix next year and I will do a movie with Derek

Ramsay, to be directed by, I forgot the name of our director (si Chris Martinez ang tinutukoy niya), to be produced by Atty. Joji Alonso for her Quantum Films and I’ll co-produce it with my own company). Kaya dapat iba na ang lipstick ko. I cannot tell the story of the movie dahil bawal daw ikuwento.”

Hindi malinaw ang sinabi ni Kris kung sa Netflix o sa Quantum Films iyong istorya na mother siya na she will support her son, just like how she loves Bimby and Kuya Josh and supports their dreams.

Nang may magtanong kung nasaan si Kuya Josh, nasa other room daw dahil napagod sa pamamasyal nila.

Alam raw ba niya ang tungkol sa writeups sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert

Bautista? Hindi pa niya nabasa dahil umalis na sila for Japan. May nagtanong kung may kasama raw siya sa room.

“Wala akong kasama. Kung meron baka pigilan niya akong mag-live video dahil baka kung anu-ano na naman ang sabihin ko,” nakatawang sagot niya.

Maraming nag- i- invite kay Kris na dumalaw sa lugar daw nila, isa ang nagsabi sa kanya na pumunta siya sa Milan, Italy.

“Yes, I will visit Milan, gusto kong puntahan iyong Duomo doon (Duomo de Milan Cathedral ang tinutukoy niya). Sa Barcelona, gusto ko ang Sagrada Familia.”

May pinatugtog na song si Kris at gusto raw niyang iyon ang music when she get married.

“No, you cannot get married,” sabad ni Bimby. “I don’t like.”

“But you will get married,” paliwanag niya kay Bimby. “Yes, when you’re dead.” “Weird kaming mag-ina.” Paano sila magdiriwan­g ng Christmas Day?

“We will just eat sukiyaki and shabushabu, because it’s too cold here, ‘ di ko kaya.” Kailan sila babalik ng Pilipinas? “We will leave for the Philippine­s on December 26, early Tuesday morning. Merry Christmas sa inyong lahat. Thank you!”

 ??  ??
 ??  ?? Kris at Bimby
Kris at Bimby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines