Balita

‘ZERO SURVIVORS’

37 pinaniniwa­laang patay sa Davao mall fire

- Nina ARGYLL CYRUS GEDUCOS at FER TABOY

Hindi napigilang mapaiyak ni Pangulong Duterte nang sabihin niya sa mga kaanak ng 37 call center agents na-trap sa nasusunog na NCCC Mall sa Maa, Davao City na “zero” na ang tsansang may nakaligtas sa sunog kahapon ng madaling araw, bisperas ng Pasko.

Ito ay nang sorpresang hinarap ng Pangulo ang mga pamilya ng mga pinaghahan­ap pa sa pagkaka-trap sa mall sa Davao City nang masunog ito noong Sabado.

Sa mga litrato mula sa Malacañang Presidenti­al Photograph­ers Division ( PPD), makikitang umiiyak ang Pangulo habang inaalo ang mga pamilyang umaasang buhay pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa isang Facebook post kahapon ng madaling araw, inihayag ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang report mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na ang tsansang may nakaligtas sa 37 nasa loob ng nasusunog na mall ay “zero” na.

“Let us pray for them. Awhile ago, the ground commander of BFP already announced that their chances of survival is zero,” saad ng bise alkalde.

Sa Facebook post ng vice mayor, kinilala ang mga patuloy pang pinaghahan­ap na sina Jessica Solis, Gantioco Celestial Jr., Ian Kiem Adlawan, Regine Generales, Christen Joy Garzon, Apple Jane Celades, Iana Apalacio, Jonas Basalan, Jim Benedict Quimsing, Kurtchin Angela Bangoy, Mary Joy Daluro, Randy Balcao, Rosyl Montanez, Missy Rose Artiaga, Analiza Penarejo, Christine Joy Ferraren, Ivan Roble, Christine Alviola, Alexandra Moreno Castillo.

Pinaghahan­ap pa rin sina Hongijangj­ian, Desiree Gayle Zacarias, Jesseca Samontina, Mary Louielyn Bongcayao, Nancy Loyd Abad, Jeffrey Sismar, Johani Matundo, Joyne Pabelonia, Elyn Joy Yorsua, Shiela Mae Bacaling, Mark Entera, Charlyn Liwaya, Mikko Demafeliz, Roderick Antipuesto, Rhenzi Nova Muyco, Roderick Constantin­opla, Venus Joy Kimpo, at Janine Joy Obo.

Una nang naiulat na may 29 na call center agent ang na-trap sa loob ng nasusunog na mall, na hindi pa rin ganap na naaapula habang sinusulat ang balitang ito.

Nabatid na nakatawag pa umano sa kanilang mga pamilya ang ilan sa mga nawawalang biktima. May natanggap din umanong text message ang mga kaanak ng paghingi ng tawad ng ilan sa mga biktima, habang nagsabi naman ang ilan na hindi na nila umano matiis ang init sa loob.

Makalipas ang nasa 30 minuto ay hindi na umano sumasagot sa tawag ang ilan sa mga biktima, ayon sa kanilang mga kaanak.

 ??  ?? ‘ZERO SURVIVORS’ Napaiyak si Pangulong Rodrigo Duterte nang matanggap ang report ng Bureau of Fire Protection kahapon ng madaling araw na “zero” na ang tsansang may nakaligtas sa 37 call center agents na na-trap sa nasusunog na NCCC Mall sa Davao City.
‘ZERO SURVIVORS’ Napaiyak si Pangulong Rodrigo Duterte nang matanggap ang report ng Bureau of Fire Protection kahapon ng madaling araw na “zero” na ang tsansang may nakaligtas sa 37 call center agents na na-trap sa nasusunog na NCCC Mall sa Davao City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines