Balita

Bea, nambulabog ang kaseksihan

- Ni NITZ MIRALLES

NAMBULABOG sa social media ang kaseksihan ni Bea Binene. Halos pare-pareho ang comment ng mga nakakita ng photos niya na naka-swimsuit, dalaga na raw pala siya at sexy. Totoo namang sexy si Bea, titingnan n’yong maliit siya, pero gifted sa chest area. Nakakasigu­ro rin ang fans ni Bea na hindi dala ng breast augmentati­on ang dibdib niya dahil never nabalitang nagpalaki siya ng boobs.

Ang post niyang half body, kita ang boobs at umabot na sa 77,389 likes and views and still counting. Siguradong nababasa ni Bea ang comments at lalo siyang mai-inspire to continue working out to maintain her figure.

Dahil sa picture na naka-bikini, natakpan tuloy ang magandang balita ni Bea na isa na siyang certified open water diver. Nag-post siya ng picture niya kasama ang kanyang dive instructor.

“I passed! Now a certified open water diver, FINALLY! Special shoutout to my dive instructor, @martin_hubber85 of Reggae Dive Center here in Coron for teaching me everything and for making me understand all the things I should know.”

Samantala, waiting ang fans ni Bea sa next teleserye niya sa GMA-7 at bakit daw wala pa siyang bagong show? Ang ka-love team niyang si Derrick Monasterio ay muling itatambal kay

Barbie Forteza, dapat daw ipareha na rin sa ibang aktor si Bea.

Pero habang wala pa siyang bagong show, itutuloy ni Bea ang pag-aaral ng Filmmaking sa MINT College. Gusto niyang maging director in the future.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines