Balita

Nigerian, 1 pa dinakma sa magkaibang kaso

- Bella Gamotea

Arestado ang isang seaman at isang Nigerian dahil sa kani-kanilang kaso sa korte sa magkahiwal­ay na insidente sa Makati at Las Piñas City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Erol Babac y Academia, 28, seaman, ng No. 210 Village East Executive Home, Cainta Rizal; at Ndusi Gerald Udunsi, nasa hustong gulang, Nigerian, at pansamanta­lang naniniraha­n sa Block 18 Lot 3, Ilang Ilang Street, Paramount Subdivisio­n, Barangay Talon Tres, Las Piñas City.

Sa ulat na ipinaratin­g ng Southern Police District ( SPD), nadakip si Babac ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, ng Makati City Police, sa Burgos St., Bgy. Gudalupe Nuevo, Makati City, bandang 3:00 ng hapon.

Inaresto ang seaman sa bisa ng warrant of arrest, na inisyu ni Makati Regional Trial Court Branch 140 Judge Cristina Javalera Sulit, dahil sa kasong paglabag sa Section 5 (i) ng Republic Act 9262 o Anti Violence Against Women and Children.

Nagrekomen­da ang korte ng P24,000 piyansa para sa pansamanta­lang paglaya ng suspek.

Samantala, nadakip ng mga pulis, sa pangunguna ni Senior Insp. Ralph Lauren Moreles, si Udunsi sa Udelo Place Restaurant & Bar sa Unit G 2nd floor, Santiaguel Building, 182 AlabangZap­ote Road, Pamplona Dos, Las Piñas City, dakong ng 6:20 ng gabi.

Hindi na nakapalag si Udunsi nang posasan siya ng mga pulis matapos silbihan ng warrant of arrest na inisyu ni Imus, Cavite Metropolit­an Trial Court Judge Minda Poblete Mendoza para sa kasong serious physical injuries.

Maaaring makapagpiy­ansa ang dayuhan sa halagang P10,000 para sa pansamanta­la niyang paglaya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines