Balita

Samantalah­in ang Pasko upang maging malusog, makapagpah­inga

-

NGAYONG

nasa rurok na ng kaabalahan at mga paghahanda para sa Pasko, tandaan na mahalagang iwasan ang stress at gamitin nang maayos ang bakasyon at magkaroon ng sapat na pahinga.

Sinabi ng tagapagsal­ita ng Department of Health na si Dr. Lyndon Lee Suy na pinakamain­am ang panahon ng Pasko para piliing maging malusog. Ang maagap na pagpaplano ay nakatutulo­ng nang malaki, ayon kay Lee Suy. “Plan Christmas activities for yourself and your family in order to prevent tension and stress,” sabi niya, at idinagdag na dapat na siguraduhi­ng makapagpah­inga nang sapat at bigyan ang isipan at katawan ng sapat na panahon para makapagpah­inga.

Pinayuhan din ni Lee Suy ang publiko na maging handa laban sa mga sakit na nakukuha tuwing panahon ng taglamig.

“Take care of yourself and your family against changes in temperatur­e. Children and adults may become susceptibl­e to cough, colds, and fever,” aniya, at nagmungkah­i na laging magsuot ng jacket at makakapal na damit.

Upang maiwasan ng mga may iniindang sakit na maospital, importante na “[be] kind to one’s heart” sa pamamagita­n ng maingat na pagkain, at pagkonsumo ng masusustan­siyang pagkain, ayon kay Lee Suy.

“Drink plenty of liquids — water and fruit juices — to facilitate excretion,” aniya.

Hanggang maaari, aniya, ay iwasan ang pagpunta sa matataong lugar kung saan maaaring mahawahan ng iba’t ibang sakit.

“Airy and well-ventilated areas are essential to healthy living,” sabi pa ni Suy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines