Megan at Mikael lovers din sa serye
MATAGAL na ang relasyon nina Miss World 2015
Megan Young at Mikael Daez na matagal din nilang inilihim noong una para na rin sa career ni Megan nang time na iyon. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit hindi sila pinagtambal sa teleserye nang lumipat sa GMA Netrowk si Megan.
Paminsan-minsan ay nagkakasama sila sa show, pero hanggang doon lang.
Kapag nagkakataon na nagkakasama sila sa show, may rule nila na hindi sila puwedeng bumisita sa set ng isa para walang distraction. Pero dumating din ang time na pareho na nilang gustong makatrabaho ang isa’t isa, maging ang kanilang fans ay iyon na ang request sa GMA, pagsamahin sila sa isang project.
Hindi binigo ng Kapuso Network ang followers nina Megan at Mikael dahil binigyan na sila ng afternoon prime drama series na Step Daughter.
So, paano na ang rule nila na hindi puwedeng bumisita sa set ang isa’t isa kapag may shoot?
Sinagot ito ni Mikael sa Instagram post niya kasama si Megan ng: “Eto na! Finally teaming up with bonex for our first teleserye! However, this will most probably be her reaction whenever we have a serious scene.” Wala pang detalye tungkol sa magiging istorya ng Step
Daughter na makakasama rin nila si Katrina Halili. Pero nagsimula na silang mag-taping simula nang ipalabas ang
Omnibus Plug ng mga bagong teleserye sa afternoon prime at primetime block ng GMA 7 na mapapanood sa first quarter ng 2018.