Balita

Digong kay Pulong: ‘KUNG ANO ANG TAMA, GAWIN MO’

- Ni ROY C. MABASA

Sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagbibitiw sa puwesto ng anak niyang si Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ay posibleng dahil sa dami ng mga usaping kinasasang­kutan nito, kabilang ang pagkakadaw­it ng pangalan nito sa pagkakapus­lit ng P6.4-bilyon shabu shipment sa Bureau of Customs (BoC).

“Napuno na siguro. Pinatawag sila sa Congress for nothing. Well, about the only thing that… was his name which appeared in a… And he considered it most unfair to… sa kanya,” sinabi ng Pangulo sa mga mamamahaya­g sa isang panayam sa Davao City.

Matatandaa­ng nabanggit ang pangalan ni Pulong at ng bayaw niyang si Atty. Manases Carpio sa imbestigas­yon ng Senado kaugnay ng nasabing bilyun-bilyong pisong kontraband­o mula sa China.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi niya iminungkah­i sa kanyang panganay na magbitiw ito sa puwesto, kundi sinabi niya ritong gawin ang kung ano sa palagay nito ay tama.

“Sabi ko sa kanya, ikaw. You… you are in a position to do what is right. Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo,” ayon sa Pangulo ay sinabi niya sa bise alkalde.

Sinabi rin ng Presidente na ang naging pasya ni Pulong ay naimpluwen­siyahan din ng kontrobers­iya kaugnay ng pre-debut pictorial ng anak nitong si Isabelle sa Malacañang.

Una nang napaulat na may kinalaman din ang pagbibitiw ni Pulong sa puwesto sa isinapubli­kong away nila ni Isabelle sa Facebook at Twitter noong nakaraang linggo.

Gayunman, inamin ng Pangulon na kinonsulta siya ng anak nang magkita sila nitong Linggo ng gabi habang nakaantaba­y sa updates tungkol sa nasusunog na NCCC Mall sa Ma-a, Davao City.

“But nagtanong siya kagabi. Doon kami nagkita-kita doon sa… ‘yung magkapatid, si Mayor (Sara Duterte-Carpio), pati siya. Habang naghihinta­y kami ng balita, tinanong niya ako,” kuwento ng Pangulo.

Aniya, pinayuhan niya ang bise alkalde “[to] let the people decide.”

“But if you think that there is a better to do it, do what’s right. ‘Yun lang,” anang Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines