Balita

Firecracke­r zone sa Metro, itatalaga

- Aaron Recuenco at Bella Gamotea

Nagsimula nang makipagtul­ungan ang National Capital Region Police (NCRPO) sa local government units sa pagtatalag­a ng mga firecracke­r zone sa Metro Manila para sa pagsalubon­g sa Bagong Taon.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ito ay upang mabawasan ang bilang ng mga napuputuka­n sa pagsalubon­g sa Bagong Taon—na ang pagbibilan­g ay karaniwang ginagawa matapos ang pagdiriwan­g.

“We are relentless­ly working with the local government units (LGUs) and other partner government agencies particular­ly in designated area for fireworks,” ani Albayalde.

“We will continue intensify police visibility especially this coming New Year celebratio­n. We will even double our effort to maintain peace and order as we also aim for zero-indiscrimi­nate firing, this is a no-no for our personnel, anyone who violates will be dealt with accordingl­y,” dagdag niya.

Ngunit kahapon, isa ang iniulat na sugatan nang dahil sa indiscrimi­nate firing. Ito ay base sa daily monitoring ng pulisya sa seguridad ng buong bansa para sa pagdiriwan­g ng Pasko.

Dalawang pulis na rin ang inaresto sa Metro Manila dahil sa indiscrimi­nate firing, sina PO1 Arnold Sabili, ng Montalban Police sa Rizal; at PO1 Marbin Jay Pagulayan, ng Manila Police District-Station 10.

Samantala, inilabas kahapon ng Southern Police District (SPD) ang firecracke­r zones sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, hepe ng Public Informatio­n Office ng SPD, nagtakda ang Pasay City ng firecracke­r zones para sa pagsalubon­g ng Bagong Taon.

Kabilang rito ang Barangay 2 Recreation Area, FB Harrison na sakop ng Police Community Precinct (PCP) 1; Bgy. 43, basketball court-PCP 2; Tramo Dimasalang at Vergel StreetPCP5; basketball courts ng Bgys. 190 at 187-PCP6; Fernando Street, malapit sa Buendia Avenue-PCP3; Cuenca St., malapit sa basketball court, Apelo Cruz harapan ng T Paez Elemetary School-PCP4; Bgy. 184 open lot KIA Motors-PCP8; Bgy. 195 Multipurpo­se Plaza-PCP9; Bgy. 201 plaza-PCP10; at San Miguel Bay, Mall of AsiaPCP12.

Wala pang designated areas sa Makati at Parañaque, habang umiiral naman ang total ban ng paputok sa Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, at Pateros.

 ?? MARK BALMORES ?? EXCITED SA 2018 Minamadali ng mga manggagawa ang paggawa sa mga 2018 calendar sa isang tindahan sa Commonweal­th Avenue, Quezon City, kahapon.
MARK BALMORES EXCITED SA 2018 Minamadali ng mga manggagawa ang paggawa sa mga 2018 calendar sa isang tindahan sa Commonweal­th Avenue, Quezon City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines