Balita

Mahigit 900 ang bagong nahawahan ng HIV noong Setyembre

-

AABOT sa kabuuang 936 na katao ang nakumpirma­ng may Human Immunodefi­ciency Virus (HIV) noong Setyembre, iniulat ng Epidemiolo­gy Bureau ng Department of Health (DoH).

Sa bilang, 806 ang hindi nagpakita ng anumang sintomas ng HIV, 130 ang mayroon nang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), at 40 ang namatay dahil sa naturang sakit, ayon sa pinakabago­ng ulat ng HIV/AIDS and ART Registry of the Philippine­s (HARP).

Sa 936 kaso ng HIV/AIDS, 904 ang lalaki at 32 ang babae, at lima ang buntis. Ang average nilang edad ay 28. Kalahati ng bilang, o 469 ang kabilang sa edad na 25 hanggang 34, at 31 porsiyento o 286 ang nasa edad 15 hanggang 24. May kabuuang 40 kabataan ang iniulat ng HARP.

Sa 40 nagkaroon ng sakit, 18 ang nasa edad 25-34; 15 ang kabilang sa edad 35 hanggang 49; lima ang 15 hanggang 24 na taong gulang; at dalawa ang mahigit 50 anyos.

May kabuuang 908 ang nahawahan ng virus sa pamamagita­n ng pakikipagt­alik, 87 porsiyento o 548 ang nahawahan sa pamamagita­n ng homosexual contact; 246 sa pamamagita­n ng bisexual contact; at 114 sa pamamagita­n ng heterosexu­al contact. Aabot sa 23 kaso ang nahawa naman dahil sa turok o karayom.

Naitala na sa National Capital Region ang may pinakamara­ming kaso na mayroong 348, 147 sa Calabarzon, 93 sa Central Visayas, 87 sa Central Luzon, 56 sa Davao, 54 sa Western Visayas, at 151 mula sa iba pang lugar sa bansa.

Binanggit din sa ulat na sa mga kasong naitala noong Setyembre, nasa 103 ang nahawahan dahil sa transactio­nal sex, karamihan ay mga lalaki na edad 18 hanggang 61; at 65 ay mga overseas Filipino worker (OFW).

Hinihikaya­t ng DoH ang mga nasa delikadong mahawahan ng sakit na sumailalim sa free testing; at ang mga magpoposit­ibo ay hinihimok na sumailalim sa libreng gamutan.

Sa kabuuang 23,307 katao sa bansa ang namumuhay na may HIV.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines