Balita

MABUTING BALITA

1 Jn 1:1-4 ● Slm 97 ● Jn 20:1a, 2-8

-

Ngayon, pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”

Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya’y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok.

Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukb­ong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya. PAGSASADIW­A:

Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya.— Sa kapistahan ni San Juan, ang alagad na mahal ni Jesus, nais ipaalala sa atin ng Mabuting Balita na ang buhay ni Jesus ay dapat tingnan sa kabuuan. Kung ang pagsilang ng Panginoon ay sanhi ng kagalakan para sa ating nagdiriwan­g ng Pasko, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ay dahilan din ng pagsasaya para sa ating lahat. Hindi naman buo ang kuwento ng pagliligta­s sa araw lang ng pagsilang ni Jesus.

Ang Jesus na ating sinamba sa kanyang pagkakataw­angtao ay siya ring Jesus na ating sinasampal­atayanan sa kanyang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines