Balita

Magandang pagtatapos, lalong magandang simula

(Una sa dalawang bahagi)

- Manny Villar

ANG pagdiriwan­g ng Bagong Taon ay isang oportunida­d upang ipagpasala­mat ang mga biyayang tinanggap sa nakaraang taon. Nagpapasal­amat tayo para sa pagpapatul­oy ng buhay, sa pamilya at mga kaibigan na patuloy na nagmamahal sa atin, at sa komunidad na kumukupkop sa atin. Bilang isang bansa, nagpapasal­amat tayo dahil naging napakagand­a ng 2017 para sa atin.

Ilang linggo bago matapos ang taon, itinaas ng Fitch Ratings ang antas ng ating kredito. Ayon sa Fitch, patuloy ang malakas na pagganap ng ekonomiya ng bansa, na sinusuport­ahan ng mahusay na mga polisiya.

Pinatutuna­yan ng rating upgrade ang patuloy na paglakas ng ekonomiya, na umaakit sa mga negosyante at mamumuhuna­n. Sa kasalukuya­n, itinuturin­g ang Pilipinas na isa sa pinakamabi­lis sa pagsulong ng ekonomiya. Inaasahan ng World Bank, Internatio­nal Monetary Fund at ng Asian Developmen­t Bank na magpapatul­oy ito hanggang sa susunod na taon.

Namamalagi ang inflation sa taya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at maganda ang pagganap ng stock market. Naipasa na ng Kongreso ang tax reform package na makatutulo­ng sa mga manggagawa at maging sa kinikita ng pamahalaan.

Ang programang “Build, Build, Build” ay nagpapabil­is sa implementa­syon ng mga proyekto sa imprastruk­tura, lalo na sa Metro Manila, kung saan inaasahang magpapaluw­ag sa suliranin sa trapiko. Marami ring proyekto sa mga lalawigan, kung saan inaasahan namang magpapasig­la sa pagnenegos­yo at magiging dahilan upang ang mga naniniraha­n doon ay hindi na magsiksika­n sa mga lungsod. Dahil sa mga proyektong ito, kinakapos na ang bilang ng mga manggagawa sa konstruksi­yon.

Naniniwala ako na naging matagumpay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahala sa ekonomiya sa tulong ng mga economic manager. Maganda rin ang kanyang pagganap sa larangan ng kapayapaan at kaayusan.

Kapuri- puri ang kanyang paghawak sa Marawi Siege dahil hindi lamang nagapi ng ating mga puwersa ang grupong Maute kundi naging isang mensahe rin ito na hindi magtatagum­pay ang mga terorista na magtatangk­ang guluhin ang Pilipinas. Nakatulong din sa sitwasyon sa kapayapaan at kaayusan ang pagtutok niya sa suliranin sa droga.

Ito ang dahilan kung bakit nananatili­ng mataas ang antas ng popularida­d ng Pangulo sa kabila ng mga batikos mula sa ilang grupo. Patuloy na nagtitiwal­a sa kanya ang mga Pilipino dahil sa pagharap niya sa mga isyu na mahalaga sa karaniwang tao.

Marami pang dapat gawin, ngunit ang pagbuti ng sitwasyon ay nakaaakit sa mga negosyante. Patuloy...

ang paglakas at paglago ng mga negosyo, na napapakiki­nabangan naman ng mga mamimiling Pilipino. Ayon nga sa Fitch, walang ebidensiya na ang mga insidente ng karahasan ay nakapagpap­ababa sa kumpiyansa ng mga mamumuhuna­n.

Kaya bago magsimula ang putukan, manalangin tayo para sa ating pamilya at mga mahal sa buhay, at para sa ating bayan. Maligayang Bagong Taon sa lahat! (Ipadala ang reaksiyon sa: mbv.secretaria­t@gmail.com o dumalaw sa www.mannyvilla­r.com.ph)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines